Photos courtesy of Facebook @Gilbert Angeles |
Ayon sa isang survey, ang Pilipinas umano ang isa sa mga pinakamadaming basura ang naitatapon sa karagatan.
Kaya naman dahil dito, naisip ng ating Pinoy artist na si Gilbert Angeles na gawing kasangkapan sa kanyang mga obra ang mga basura na madalas nating naitatapon gaya ng mga plastic, lumang pintura at maging ginamit na kahoy sa mga construction site. *
Nais ng ating 49-year old na pintor na ito na maiwasan ang patuloy na pagdami pa ng mga basura sa ating kapaligiran lalo ng sa ating karagatan, at magbigay pansin na rin sa ating lahat ang patuloy na pagkasira ng ating kalikasan.
At magmula pa noong taong 2019, gamit ang mga pinaggupit-gupit na mga plastic, nakagawa na ng halos dalawang dosenang paintings mula sa mga basura at recycled materials.
“I make these artworks to raise awareness so we can fight against the trash in our area, to make us more responsible in how we dispose of our trash, and to make us aware of where our trash goes,” pahayag ni Angeles.
Ayon pa kay Angeles, nakukuha nya ang mga materyales na kanyang ginagamit mula sa mga kabahayan sa kamaynilaan, at kung minsan naman ay mga donasyon mula sa mga nakasalamuha nya noong nagsimula ang kanyang kampanya para sa kalikasan. *
Photos courtesy of Facebook @Gilbert Angeles |
Labis ang pagkabahala ni Angeles ng kanyang mapanood ang balita na ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking contributor ng mga plastic na basura at ito ang nagbunsod sa kanya na simulan ang pagpipinta gamit ang mga basura o waste materials.
Base sa 2017 report na inilabas ng the Ocean Conservancy and the McKinsey Center for Business and Environment, ang Pilipinas, Indonesia, Thailand, Vietnam at China ang mga bansang pinagmumulan ng halos 60% ng mga basurang plastic sa buong mundo.
Simula nito, ang mga napagbentahan ng mga artwork o painting ni Angeles na umaabot mula $600 hanggang $3,000 depende sa sukat, ay napupunta sa kanyang environmental group na "Green Artz" na nag-aanyaya din sa iba pang mga artists na gumamit ng recycled materials upang mabawasan ang pagdami ng mga basura.
“I love the fact that it gives us hope,” pahayag naman ni Linda Pecoraro, general manager ng Conrad Hotel, kung saan naka-display ang art exhibits ni Angeles.
“It’s got beautiful colors and recycled plastic, repurposing things that damage our environment and making them beautiful.” ani pa nito. *
Photos courtesy of Facebook @Gilbert Angeles |