Isang construction worker, hinangaan dahil sa positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga paghihirap na dinadanas - The Daily Sentry


Isang construction worker, hinangaan dahil sa positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga paghihirap na dinadanas



Photos courtesy of Farhan Hussin

Hindi akalain ng netizen na ito na magba-viral ang kanyang post tungkol sa estado ng buhay nya ngayon. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho bilang isang construction worker ang netizen na si Farhan Hussin, na taga Zamboanga City.


Bagaman, dumadanas ng kahirapan sa kasalukuyan, hindi nya ikinahihiya na nagbabanat sya nga buto, madungis, at tagaktak ang pawis, ngunit alam nyang maraming bagay syang dapat ipagpasalamat sa may kapal. *


Alam nyang lahat ng paghihirap na ito ay may katapusan. Basta sasamahan lamang ng sipag at tyaga at paniniwala sa Dios.


Tila nagustuhan ng mga netizens ang kanyang post sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang hinaing sa buhay at isang pangako na kanyang binitawan para sa kanyang sarili.


Para kay Farhan, sa kabila ng mga paghihirap at pakikipagsapalaran nya sa buhay, sa mga pakikibaka nya sa kahirapan. Naniniwala sya na balang araw lahat ng pangarap nya ay kanya ding makakamit.


Naniniwala rin si Farhan, na kung ano man ang kalagayan nya ngayon, sa kabila ng mga kahirapan, ay naitatawid nya ang kanyang sarili at kaya nyang magbanat ng buto at lumaban ng patas para may pagkain sa araw-araw.



Inilahad din nya na hindi sya ang tipo ng lalaki, na mas uunahin muna ang pumorma at puro kahambugan lamang, ngunit wala naman maipakain sa pamilya. *


Photos courtesy of Farhan Hussin

Pinangako nya sa kanyang sarili, na oo,  mahirap sya ngayon, ngunit naniniwala sya na balang araw ay may maganda itong maibubunga sa kanya. Aniya sa kanyang post:


"Bro, nakita kita last time. Grabe ang dugyot mo aahaahaha "

Never be ashamed of your struggles, your pride won't feed you when you're  hungry. Oo pumoporma ako, but I used to get dirty to get my food and buy the stuffs that I want. Di ako yung tipo ng lalake na puro angas at porma lang. Mahirap ako ngaun.. but one day, all these hardships will make sense. Kuddos sayo, tol! "


Bumuhos ang paghanga ng mga netizens sa determinasyon at pagsisikap ni Farhan. Umabot sa 29K reactions, 1.7K comments at 50k shares ang post nyang ito sa social media. Narito ang ilan sa kanilang komento: *


Photos courtesy of Farhan Hussin

"Pormahan lang yan. Importante may pagkaka kitaan ka. Kudos to you bro di tayo nang hihingi pa sa magulang natin para lang sa walang kwentang dahilan."


"Ayus yan lods laban lang dadating din tayo sa puntong tayo na ung nagpapa trabaho hindi na tayo ung nakikipagtrabahon. Tyaga tyaga muna ngayon."



"Palag palag lang. Mas ok nga na nararanasan mo hirap kesa sa pasarap kaagad na buhay. Kasi pag yung masarap ang buhay ay naghirap, nganga na mga yun. Pero pag ang tao napagdaanan mula sa hirap kahit bumalik sa walang wala, makaka survive padin."



"I salute you! Nakaka proud Lang talaga, kase di mo ikinakahiya kung ano ba talaga Yung ginagawa mo or di Ka nahihiya Kung ano ka talaga. Sana lahat ganyan yung, all your hardships will make sense soon." *

Photos courtesy of Farhan Hussin