Grab rider sa viral na 'lugaw' issue: "Di po kami law violators naghahanapbuhay lang po kami" - The Daily Sentry


Grab rider sa viral na 'lugaw' issue: "Di po kami law violators naghahanapbuhay lang po kami"



Si Marvin Ignacio, Grab delivery rider

Talaga namang viral ngayon sa social media ang pagharang ng mga tauhan ng barangay sa isang Grab delivery na si Marvin Ignacio na  magdedeliver sana ng lugaw sa Bulacan.


Base sa videong kumakalat, hindi daw kasi essential ang lugaw kaya hindi pinayagan ang driver ng isang babaeng opisyal ng barangay.



Ayon sa Facebook post ni Marvin Ignacio, ang viral na Grabe delivery driver. "Awit sa inyo Barangay Munzon! 'Di niyo alam sinasabi niyo. Ewan ko sa inyo 'di ako makasagot naka display panicket nung pulis sakin. 'Di daw essential si Lugaw Pilipinas pero yun yung pinapakain ni Leni Robredo sa feeding program niya. Asan yung logic? Please enlighten me. Iba talaga pananaw ng Brgy. Muzon sakit niyo po sa ulo."



Sa isa pang post niya, sinabi ni Marvin na sumusunod sila sa batas at sila ay naghahanap-buhay lamang.



"Para po sa mga nagsasabing Non-Food Essentials yung trending lugaw natin. Nandito po pala ako ngayon sa West Gumaoc yung lugaw na sinasabi niyo inoorder nila. Galing pa ng Harmony. Sana ma-enlighten din po kayo. Godbless di po kami law violators naghahanapbuhay lang po kami. And I, thankyou."



Nagbigay din ng update si Marvin tungkol sa Lugaw Pilipinas na kanyang pinagbilhan ng lugaw:


"Update po sa Lugaw Pilipinas, ito siya ngayon naka close na. Ang daming naapektuhan sa nangyari nawalan ng pagkukuhanan sana maayos na po yung issue 😔 may mga pamilya rin po kaming binubuhay."




Sa ngayon ay wala pang pahayag ang babaeng opsiyal na involved sa viral na issue na ito.