Usap-usapan ngayon sa publiko ang pagharang ng mga tauhan ng barangay sa isang Grab delivery na magdedeliver sana ng lugaw.
Ayon sa videong kumakalat, hindi daw kasi essential ang lugaw kaya hindi pinayagan ang driver.
"Mabubuhay ang tao nang walang lugaw," sabi ng babae sa video at saka binasa ang mga curfew gudelines.
"Para sa private establishments, essential goods and services. Essential po ba si lugaw? Hindi kasi mabubuhay ang tao ng walang lugaw. Ang essential, tubig, gatas, groceries," dagdag ng babaeng opisyal ng barangay.
Sumagot ang Grab delivery rider, "Pagkain po yun, Ma'am".
Sagot ng babaeng opisyal, "Hindi nga. Eh 'di sana lahat ng pagkain bukas. Eto si pulis, palilinawagan kayo ni pulis. (points to the policeman). Okay? Naiintidihan po? Naiintindihan. Tapos, may nakasulat din tayo dito, Sir, na ang pupuwede lang ay provision of foods and essential. Hindi essential si lugaw. Sana bukas si bakery. Naintindihan?"
Sabi ng Grab delivery rider ay sinunod lamang ng kumpanya ang regulasyon ng quarantine at sinabing may mga permit sila.
Makalipas ng isang oras sa nangyaring insidente, nagpost ang Grab delivery rider na si Marvin Ignacio. "Awit sa inyo Barangay Munzon! 'Di niyo alam sinasabi niyo. Ewan ko sa inyo 'di ako makasagot naka display panicket nung pulis sakin. 'Di daw essential si Lugaw Pilipinas pero yun yung pinapakain ni Leni Robredo sa feeding program niya. Asan yung logic? Please enlighten me. Iba talaga pananaw ng Brgy. Muzon sakit niyo po sa ulo."
Ang lugaw ay galing pa sa Harmony Hills sa Barangay Muzon in San Jose Del Monte, Bulacan.
Panoorin ang buong video: