P2.2 Billion o CAD$60M na premyo sa lotto, napanalunan ng kababayan natin sa Canada - The Daily Sentry


P2.2 Billion o CAD$60M na premyo sa lotto, napanalunan ng kababayan natin sa Canada




Screencap photos from Youtube @Filipinos in Canada


Isang napakalaking biyaya ang dumating sa isang pinoy at ng kanyang pamilya nang malaman nitong siya ang mapalad na nanalo ng $60 million ng lottery sa Cananda.


Noong una ay hindi makapaniwala ang ating kababayan na si John Chua na sya nga ang tatanggap ng isa sa pinakamalaking lottery prize sa kasaysayan ng lottery ng Manitoba, Canada na may katumbas na  ₱2.2 billion ito sa 'Pinas.  *



“I thought it might be a Free Play or something. But it said $60 million—I was confused, so I checked on PlayNow.com when I got home,” masayang kwento ni John, na halos di pa rin makapaniwala sa napanalunang lotto.


Kwento pa ni John, hindi raw nya alam na ang kanyang napiling combination na 11, 21, 23, 25, 28, 41 at 43 ang pinakamalaking halagang napanalunan sa Manitoba.


Dagdag pa ng nanay ni John na kasama nyang nagclaim ng premyo, inakala niyang nagbibiro lamang ang anak dahil sa sadyang palabiro ito.


“He always plays jokes – he’s a joker, so I didn’t believe it,” kwento ng ina ni John sa panayam sa kanila. 



Humarap sa media si John kasama ang kaniyang may bahay, ina at tiyuhin upang kunin ang kanilang napanalunan sa Western Canada Lottery Corporation (WCLC) nitong Pebrero 2. *


Photo courtesy of UGC



Nang tanungin si John sa kanyang panayam sa media kung ano ang balak nyang gawin sa napanalunang CAD$60 million ay hindi pa daw nya alam.


Gusto nyang pag isipang mabuti muna kung paano nya gagamitin ang pera at gusto nyang maging tama lahat ng kanyang desisyon.


"I am not really sure right now, that's why probably I will take my time before spending all that money to whatever, I just want to be wise." pahayag ni Chua kasama ang kanyang may bahay.



"I have kids now, so now I am thinking for the future," dagdag pa nito.


Samantala, isa ring Pilipino mula sa Canada ang nanalo sa lottery na may premyong CAD$7 million.


Isang 58-anyos ay residente sa Surrey ang maswerteng nanalo sa Lotto 6/49 noong April 27, na si Vito Halasan, at nagtatrabaho bilang janitor.  *

Photo courtesy of CNN Philippines



Sa kabila ng napanalunang halaga, sinabi ni Halasan sa panayam sa kanya ng British Columbia Lottery Corporation (BCLC), na hindi pa rin ito titigil sa pagta-trabaho kahit may pera na silang mag-anak.


"I remember scanning my ticket and seeing all these numbers. I have really blurry vision so I had to hold the ticket right up to my face. I couldn’t believe it," kwento ni Halasan sa BCLC. 


"He sat me down at the table and then he whispered really quietly to me that he won $7 million dollars. I didn’t believe him. We had to check online several times," dagdag naman ng anak na babae nito. 



Simple lang daw ang pangarap ni Halasan para sa kanyang pamilya, ang magkaroon ng maayos na pamumuhay para sa kanyang mga anak at mga apo mula nang tuluyan na silang manirahan sa Canada. 


"I buy lottery tickets so I can dream. I dream of being able to take care of my kids and make their future better. Now we’ll be able to buy a nice house for my children and grandchildren," masayang pahayag ng ating kababayan. *

Photos courtesy of UGC and CNN Philippines