Netizen, ikinagalit ang ginawang pagtulong ng MMDA traffic enforcer sa taxi driver na naflatan ng gulong - The Daily Sentry


Netizen, ikinagalit ang ginawang pagtulong ng MMDA traffic enforcer sa taxi driver na naflatan ng gulong











Photos courtesy of Facebook @Gadget Addict


Ikinagalit ang isang netizen at tinawag nitong kamote ang isang MMDA traffic enforcer na tinutulungan ang isang matandang taxi driver na naflatan ng gulong sa kahabaan ng EDSA.


Ayon sa post ng netizen na ito, sa halip daw sana na nagmamando ng trapiko ang nasabing MMDA traffic enforcer ay tinulungan pa umano nito ang isang taxi driver.  *



Dagdag pa ng netizen na ito, hindi naman responsibilidad ng nasabing kawani ng MMDA na tulungan ang naflatan na taxi driver at sayang lang daw ang pinapasweldo sa kanya.


Ngunit nagkamali sa pagkomento ang nasabing netizen dahil taliwas sa mga nasabi nya, ay umani pa nga ng paghanga at pasasalamat mula sa mga netizens ang nasabing traffic enforcer.


Lumalabas sa komento ng mga netizen, ang nasabing MMDA traffic enforcer ay tinulungan ang matandang taxi driver nang sumabog ang gulong nito upang maialis sa gitna ng daan at maiwasan pa nga ang pagkabara ng trapiko.


Napansin pa ng traffic enforcer na ito na bukod sa nahihirapan ang matandang taxi driver na tanggalin ang sumabog na gulong, ay tirik na tirik na din ang araw kaya mas lalong nakakaawa ang taxi driver. *




Photos courtesy of Facebook @Gadget Addict


Dahil dito, inulan ng batikos ang nasabing netizen mula sa social media. Dagdag pa ng mga netizen na mabuti nga at tumulong ang traffic enforcer sa matanda at wala naman umanong sama sa pagtulong sa kapwa.


At isa pa, mas mapapadali pa ngang maibsan ang pagsikip ng trapiko kung makakaalis ng maayos ang nasirang taxi ng matanda.


Maraming netizen tuloy ang nagalit sa netizen na tinawag pang "kamote" ang nasabing MMDA traffic enforcer. Ayon pa sa facebook post ni Gadget Addict, inalis na nya ang pangalan ng netizen na nagalit sa traffice enforcer dahil sa inuulan na ito ng pamba-bash mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang komento:


"Actually mas mabilis maayos, mas mabilis Maka alis ang taxi kaya mas mabilis luluwag ang daan. Ang kitid nang utak nang nag comment."


"The enforcer is a good samaritan. Instead of waiting for help which takes time, he chosed to help a fellow human being."


"MMDA or not. That is really the true nature of the Filipino. Being helpful." *


Photos courtesy of Facebook @Gadget Addict