Photos from Facebook @Yamyam Gucong |
Ang dating Pinoy Big Brother big winner na si Yamyam Gucong
ay isa na ngayong business owner at maging ang mga magulang at kaanak nito ay
nabiyayaan din ng kanyang tagumpay.
Isa si Yamyam sa mga mapalad na nilalang na masasabi nating “from
rags to riches” talaga ang kwento ng kanyang buhay. *
Lumaki si Yamyam mula sa mahirap na pamilya, isang magsasaka
lamang ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay nag aalaga lamang ng kaniyang
mga kapatid.
Samantala, sumasama naman siya sa pagsasaka sa kanyang ama
habang tirik ang sikat ng araw at ang nanay naman nya ay nag aasikaso sa kanyang
mga kapatid at iba pang mga gawaing bahay.
Dahil sa kahirapan, nagsilbi itong inspirasyon sa kanya
upang maiahon ang pamilya mula sa kahirapan. Matatandaang naipalabas pa sa programang
“Maalala Mo Kaya” o MMK ang kwento ng kanyang buhay na pinamagatang “Bukid”.
At ngayon ay masasabing
isa ng megosyante ang dating PBB grand winner at sa wakas at unti unti ng
natutupad ni Yamyam ang kanyang mga pangarap lalo na ang maiahon sa hirap ang
kanyang mga magulang at kapatid. *
Photos from Instagram @Yamyam Gucong |
Hindi nito ikinakaila na talaga namang dating hikahos sa
buhay ang kanyang pamilya, ngunit masaya sya at nakakapagpundar na sya ng ilang
mga Negosyo, mga sasakyan at nakabili na rin ito ng kanilang sariling bahay at
lupa.
“Isa noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan
namin dati. Tapos bumili rin ako ng sasakyan.” Pahayag ng PBB grand winner.
“May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin,
para sa kanila rin ‘yon, family business,” dagdag pa ni Yamyam.
Sa kasalukayan ay naninirahan sa Manila si Yamyam habang ang kanyang pamilya naman ay nakatira sa kanilang probinsya sa Bohol.
Nais niyang maging inspirasyon sa iba lalo na sa mga
kabataan ngayon na nais makamit ang kanilang mga pangarap. Para sa kanya, minsan
kailangan natin ng kaunting sakripisyo sa buhay at malayo sa ating pamilya para
makamit ang ating mga pangarap para sa kanila.
“Ang advice ko lang is always pray talaga sa Panginoon
natin,” aniya.
“I-relate ko lang sa
nangyari sa akin. Sobra akong na-stress na mapalayo sa kanila, so isipin mo na
lang kung gaano kahirap ang buhay mo dati at ano ang inspirasyon mo sa buhay
para maibigay at ma-provide mo sa mga mahal sa buhay. Manalangin ka lang at
ibibigay ‘yan ng Diyos.” Dagdag pa nito. *