Mga magulang ng isang taong gulang na bata, nagdesisyon ng i-donate ang organs nito sa dalawang sanggol at isa pang pasyente - The Daily Sentry


Mga magulang ng isang taong gulang na bata, nagdesisyon ng i-donate ang organs nito sa dalawang sanggol at isa pang pasyente



 

Photos courtesy of GMA News


Lubhang napakasakit para sa isang magulang ang makita nilang naghihirap ang pinakamamahal nilang anak na nasa bingit ng kamatayan lalo pa at isang musmos pa lamang ito.


Tila hindi mo mailalarawan ang sakit na nararamdaman ng isang magulang na nagpapaalam na sa kanyang anak na magwawakas ang buhay upang madugtungan ang buhay ng iba.  *



Isang makabagbag damdamin ang pagtatagpong ito kung saan ang isa nating kababayan na naninirahan sa California ay nagdesisyon nang isuko na ang buhay na kanilang pinakamamahal na bunsong anak na isang taong gulang pa lamang upang ibigay na ang kanyang mga organs.


Base sa balita, dineklara ng brain-dead ang nasabing bata na si Leopauld Sanchez o Lexus kung tawagin ng kanyang mga magulang dahil sa isang car accident. 


Napagpasyahan ng magulang ni Lexus na idonate na lamang ang kanyang organs na ibinigay nila sa dalawang sanggol at isa pang pasyente.


Sa kanilang madamdaming pamamaalam sa kanilang bunsong anak, nagbigay pa ng isang saludo ang ama ni Lexus na isang Navy.



"You did a good job, son. I am proud of you!" pahayag ng ama sa kanyang mahal na bunso.  


 Ayon pa sa balita, nasangkot sa isang aksidente ang pamilya ni Lexus lulan ng kanilang sasakyan sa California, USA. *


Screencap photos from GMA News


Tatlo ang napabalitang nasawi at kabilang dito si Lexus, na pinaka napuruhan sa nasabing aksidente na nagtamo ng matinding brain injuries.


Ayon sa mga doktor, sa tindi ng pagkakabangga,  na-detach ang bungo ng sanggol mula sa kanyang spine. Agad na sumailalim sa surgery ang bata at nagpakita naman ito ng improvement matapos ang ilang araw.



Ngunit kalaunan ay muling nagpakita ng paghina ng katawan ang sanggol, at ayon sa mga test na isinagawa kay Lexus, nakitang brain-dead na ang bata.


At nito ngang January 18, nagpasya na ang kanyang mga magulang na i-donate ang mga organs ni Leopauld, nang sa gayon ay manatili raw na buhay ang alaala ng kanilang pinakamamahal na bunso. 


"You're a hero, son. You're a hero!" pahayag pa ng ama ni Lexus.


Bago ipasok sa operating room si Lexus ay pinalakpakan pa nila ito bilang pagpupugay at pasasalamat sa kabutihan ginawa ng bata para sa kanyang kapwa. *


Screencap photos from GMA News