Christine Dacera | Supporter's post | Photo credit to the owner |
Makalipas ang mahigit isang buwan matapos ang kontrobersyal na pagpanaw ng Philippine Airlines flight attendant na si Christine Dacera, ay tila hindi pa rin natatapos ang isyu at patuloy na paghingi ng hustisya ng pamilya nito.
At nito ngang huli ay umingay ang usap-usapang gustong isapelikula ang kanyang buhay matapos makipag-'meeting' diumano ang ina nito na si Sharon Dacera sa isang producer.
Photo credit to the owner
|
Ngunit paglilinaw ng producer, na wala pa raw talagang na-finalize at sadyang plano pa lamang ang naganap.
Kung sakali namang matutuloy ito ay mag-fofocus diumano ang kuwento sa buhay ni Christine at hindi gaanong tatalakayin ang nangyari noong gabi bago siya pumanaw dahil under investigation pa ito at masalimuot pa ang lahat.
Matatandaang unang araw ng bagong taon 2021 ng ginulat ang sambayanan sa balitang ito na talaga namang sinubaybayan ng marami at halos naging 'national issue' ng bansa.
Una ng pinabulaanan ng mga suspeks na kaibigan din ni Dacera ang paratang ng foul play, kaya naman matapos arestuhin ay pinakawalan din ang mga ito ng lumabas ang resulta ng 'medico-legal' na nagsasabing 'natural cause' ang dahilan ng pagpanaw ng dalaga.
Ngunit tila sadyang hindi kumbinsido ang ina ni Christine na si Sharon Dacera sa resulta ng imbestigasyon, dahilan marahil kung bakit nais niyang ipakita sa pamamagitan ng pelikula ang sa kanya ay tunay na buhay ng anak.
Ngunit kung nakakagulat ang balitang pagsasapelikula ng buhay ni Christine ay mas nagulat ang nakararami ng kumalat diumano ang panawagan ng mga supporters nito na gawing Santo ang namapayang PAL flight attendant.

Ito ay matapos kumalat ang screenshot ng panawagan ng isa niyang supporter na nanghihingi diumano ng tulong upang maisaayos ang 'canonization' ni Christine.
Matapos nito ay sunod-sunod na ang nag-post sa social media tungkol dito. Ang iba ay ginawa itong katatawanan at iba naman ay naguluhan sa kung ano ang katotohanan.
Ngunit malinaw naman na walang katotohanan ang balita at sadyang mga supporters lamang niya ang nagpakalat ng mga ito.
Photo credit to the owner |
Naglabas rin ang isang Catholic social media page ng kanilang pahayag ukol dito upang linawin ang lahat.
"Nais lamang po naming linawin na ang kumakalat na larawan ay hindi po galing sa Simbahan Katolika at hindi din po dineklara ng Simbahan na Santo si Christine Dacera. Ang nasabing larawan ay galing sa isang Facebook Account na nagngangalang "Sing" na siyang pasimuno sa pagpapakalat nito.
Sa usaping ito dalawa po ang magiging apektado. Una, ang pamilya ni Christine Dacera na mas lalo po isinasadlak sa kahihiyan. Pangalawa, ang Simbahang Katolika na naging katawa-tawa sa paningin ng marami. Hindi din po maganda ang ginawa ng "Sing" dahil ginamit pa nito ang ilang importanteng logo ng Simbahan sa nasabing edited na larawan.
Huwag po nating tangkilikin ang ganitong mga balita na ang layunin ay manira ng kapwa."