Larawan mula kay Lauven Lor Sumalinog |
Naging mainit na usapin hanggang ngayon para sa mga nakararami ang pagpapatupad ng panibagong child safety motor vehicles act o ang child car seat law kung saan obligado ang lahat ng mga pribadong sasakyan na gumamit ng car seat para sa mga batang pasahero na may edad 12 years old pababa.
Agad ding umalma at naguluhan ang mga netezins tungkol sa naging pahayag ng LTO Director na si Atty. Clarence Guinto na "laki-lakihan" nalang ang mga sasakyan kung ang mga batang gagamit ng booster seats ay malalaki o matatangkad na maaaring magdulot pa ng matinding panganib.
Makikita na nakayuko na at tila nahihirapan ang kanyang anak at pilit pinagkakasya ang sarili habang nakaupo sa booster seat.
Pag-aalala pa niya, tatlo ang anak niyang 12 years old below, kaya tatlong car seats din ang kailangan nilang bilhin para sa mas ligtas na pagbiyahe at upang hindi sila mahuhuli sa hindi pagsunod ng naturang batas.
Aniya pa, hindi naman lahat ng may mga sasakyan may kakayahan bumuli ng car seats, lalong lalo pa sa kahirapan na kinakaharap ng lahat ngayon. 2
Ayun sa regulasyon ng batas, kinakailangang sakto sa edad, tangkad at timbang ng mga bata ang kalidad at gagamiting car seat. Nararapat din na sumusunod ito sa standards na itinatakda ng Department of Trade and Industry.
#Carseat
#LTO
Ito po yung panganay kong anak 11years old, nagtry kami i-carseat sya para kapag lumabas kami di kami huhulihin, safety sana sya kaso mukhang may mali.
Mukhang mas mabab*lian ng leeg ang anak ko nito. Tatlo ang anak kong below 11years old so tatlo pala dapat ang carseats namin.
Bakit timing pa ngayong may pand*mya? Hindi lahat na may sasakyan kaya bumili agad-agad ng carseats lalo na libo ang halaga ng isa nito, tulad kong isang seaman isang taon nang hindi makasakay ulit sa barko dahil sa c0 v*d-19.
***
Source: Lauven Lor Sumalinog
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!