Mag-asawang bulag, patuloy na lumalaban at itinataguyod ang 8 na anak - The Daily Sentry


Mag-asawang bulag, patuloy na lumalaban at itinataguyod ang 8 na anak



Patuloy na itinataguyod ng mag-asawang Julius at Marivic Muñoz ang kanilang mga anak sa tulong na rin ng mga kaibigan. Larawan mula kay Gracie Rutao

Kahit pa may kapansanan, hindi naging hadlang ito para sa isang mag-asawang bulag para itaguyod ang kanilang 8 anak sa Mabalacat City, Pampanga.



Talaga namang "love is blind" ang motto ng mag-asawang Julius at Marivic Munoz, na parehong bulag. May anak din sa pagkabinata si Julius. Ang walong anak ng mag-asawa ay nakakakita ng maayos.


Sa kabila ng kapansanan at pandemya na dahilan kaya walang trabaho bilang singer si Julius at bilang masahista si Marivic, maayos naman nilang naitataguyod ang buong mag-anak nang walang kasambahay.

Sila Julius at Marivic

"Sobrang proud po ako kasi napapakain kami nang maayos," kuwento ng anak na si Janella, na proud na proud naman sa kanyang mga magulang.


Si Julius ay nagtatrabaho bilang singer at frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat habang si Marivic naman ay isang masahista at 13 years nang nagsasama.



Taong 2005 ng unang magkita ang dalawa sa School for the Blind sa Maynila nang may inihatid umano siyang estudyante na kaklase ni Marivic.


Dito na naging malapit ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi naging madali ang kanilang relasyon dahil tutol noon ang pamilya ni Marivic kay Julius.


Si Marivic habang naghuhugas ng pinggan

Itinanan ni Julius si Marivic mula sa Cavite at dinala ito sa a Pampanga kung saan sila nagpakasal at biniyayaan ng 8 anak. Ang panganay nila ay 11 anyos na ngayon, habang ang bunso ay 3 buwan pa lamang kung saan may dalawang anak rin si Julius sa pagkabinata.


Kahit maraming anak at walang kasambahay, kinakaya ni Marivic ang lahat ng gawaing bahay.



Ngunit dahil sa pandemya, nawalan ng pagkakakitaan ang mag-asawa. Hindi na nakakakanta sa mga show si Julius, at hindi na rin muna nakakapag-masahe si Marivic.


Kahit mahirap, hindi umano naging hadlang to kay Julius para sumuko lalo na at laging nakasuporta sakaniya si Marivic.


Para makaraos, kumakanta online si Juilus kasama ang 'Banda Alyansa Kapampangan' habang patuloy na nagsisilbi bilang frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat. May mga kaibigan rin silang nagpapaabot ng tulong.


Source/s: ABS-CBN News, Central Luzon News