Lolang nakikigamit ng laptop sa gadget store, binigyan ng sariling MacBook ng isang good samaritan - The Daily Sentry


Lolang nakikigamit ng laptop sa gadget store, binigyan ng sariling MacBook ng isang good samaritan



Photos courtesy of Facebook @Walter So



Nang dahil sa pandemya naging imposible para sa ating mga kababayan ang mabisita o madalaw ang ating mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.


Maraming mga pagsubok ang dala ng pandemyang ito bukod sa nakakahawang sakit ay naigng limitado na rin ang ating interaksyon sa ibang tao lalo na sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay.  *



Ngunit sa mga ganitong panahon napapatunayan na buhay pa din ang mga kagandahang asal naitng mga Pilipino gaya ng pagiging mapagmahal sa pamilya, matulungin sa kapwa at ang pagiging mapamaraan.


Gaya na lamang ng kwento ng isang senior citizen na halos araw-araw ay bumibisita sa isang gadget store sa isang mall sa Makati upang makigamit ng demo gadget na laptop na kanilang itinitinda upang makausap ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.


Ayon sa post ng isang concerned netizen na si Mr. Walter So, naantig ang kanyang puso sa isang matanda na busy sa pagta-type sa laptop na naka display at kanya itong kununan ng litrato at ibinahagi sa social media.


Ayon sa mga staff ng nasabing gadget store, madalas daw nagpupunta si nanay Zenaida Tolentino, 78 anyos, na taga Cavite, na nakikitira sa isang boarding house sa Makati City habang nagtatrabaho bilang isang insurance agent.  **


Photos courtesy of Facebook @Walter So


Hindi daw kaya ni nanay ang bumili ng laptop kaya naman araw-araw syang pumupunta sa nasabing tindahan ng mga laptop.


Mabuti na lamang at mababait din ang mga empleyado at staff ng naturang gadget store at sila pa mismo ang nagtuturo kay nanay Zenaida paano gumamit ng laptop.


"Wala akong pambili ng ganun kamahal eh. It's an impossible thing for me na hindi ko na iniisip," paliwanag ni Nanay Zenaida.


Maraming mga netizen ang naantig sa kalagayan ni nanay zenaida at di kalaunan ay may mga good samaritan tayong mga kababayan na nagregalo sa kanya ng isang MacBook Air 2020 at may ilang nangako pa na bibigyan si nanay ng cellphone at pang internet.



Sa panayam ng GMA kay So, ang uploader ng mga larawan ni nanay Zenaida, hinahangaan nya ang kabutihang loob ng mga staff ng PowerMac greenbelt sa pagmamalasakit nila sa matanda. **


Photos courtesy of Facebook @Walter So


Dahil sa mga staff na ito, natutong gumamit si nanay ng laptop at nagagawa ng nyang makausap ang kanyang mga mahal sa buhay at naiibsan ang lungkot ng matanda.


“I salute the store employees for being charitable. I hope the returns they get is ten fold. This is now my favorite store,” ayon sa post ni Walter So.


“Oh... by the way, nanay is amazing at using MacBook. The employees have taught her well,” dagdag pa nito.


Labis naman ang kagalakan ni nanay Zenaida sa mga regalong natanggap nya mula sa mga netizens at nagpapasalamat sya sa mga ito lalong lalo na sa mga empleyado ng PowerMac greenbelt.


"I appreciate it so much. Kumbaga 'yung eksaktong gusto ko 'yun ang binigay mo. So talagang orchestration ng Panginoon 'yan ginamit siya para ibigay sa akin," pahayag ni Nanay Zeaida.


"Overwhelming thank you. Thank you, thank you plus plus plus sa kabutihan nila," ani pa ng matanda.


"They are so nice. Very accommodating ang mga staff dito," she said. "Biro mo ina-allow ako doon, alam ko sa ibang store hindi talaga puwede 'yun di ba? Pero dito, parang ano talagang para kang nasa bahay lang." sa kanyang pasasalamat sa nga staff ng nasabing gadget store.  **


Photos courtesy of Facebook @Walter So