Kaawa-awang lalaking Nag-order ng Isang Rice at Tubig sa isang Fast Food chain, Umantig sa Puso ng Netizens - The Daily Sentry


Kaawa-awang lalaking Nag-order ng Isang Rice at Tubig sa isang Fast Food chain, Umantig sa Puso ng Netizens



Photo credit to Earl Archievan Calixtro's Facebook account

Minsan dumarating talaga ang panahon na tayo ay sinusubok ng pagkakataon. Maaaring ikaw ang mangangailangan ng tulong o di kaya ay ikaw ang magbibigay ng tulong sa iba.

Napakaraming kwento na ang nag-viral online tungkol sa mga good samaritans. Lahat ng kwentong ito ay sadyang nakakaantig ar nakakabilib at talaga namang nagbibigay ng pag-asa sa ating lahat na sa kabila ng pagsubok na dinaranas ng mundo ngayon dahil sa pandemya, ay nariyan pa din ang kabutihan at bayanihan.


Isa sa mga kwento na talaga namang pumukaw sa atensyon ng 'online world' ay ang ibinahagi ng netizen na si Earl Archievan Calixtro tungkol sa isang pangyayari na kanya mismong nasaksihan at naranasan isang araw na hindi niya umano makakalimutan.

Photo credit to Earl Archievan Calixtro's Facebook account

Ito raw ay noong naglunch siya sa isang sikat na fast food chain sa Pampanga kung saan may isang lalaking pumasok at umorder ng isang cup of rice at tubig lamang.

Photo credit to Earl Archievan Calixtro's Facebook account


Lubha raw siyang nahabag ng makita na kanin lamang ang kinain ng lalaki kaya naman kanyang nilapitan ito, kinausap, tinanong at inalok ng ibang makakain.

Humingi din ng tulong si Calixto sa ibang netizens na baka sakaling may nakakakilala kay 'tatay' at matulungan itong makauwii sa probinsya nila.

Ani Calixto, ano man ang katayuan mo sa buhay, gawing tumulong sa mga nangangailangan dahil napakasarap nito sa pakiramdam.

Photo credit to Earl Archievan Calixtro's Facebook account

Photo credit to Earl Archievan Calixtro's Facebook account


Narito ang kanyang kahanga-hangang kwento:

"Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald's near SM. Si Tatay pumasok then umorder.

After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang. Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya.

So inorder ko sya ng makakain. Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew. (thank you sa buong staff at crew ng McDonald's san fernando malapit sa SM,di kayo nag dalawang isip tulungan si Tatay.

Yung order ko para sa knya pina take out ko nalang para may pagkain pa sya mamaya. Kinausap ko sya sandali pero hindi ko sya maintindihan masyado kasi sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din sya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya.

Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa knila

Kahit ano man pong pagsubok ang pinag dadaanan nating lahat ngayon. Nakaka angat ka man sa buhay or simpleng mamamayan ka lang. Gawin mong tumulong sa kapwa mo lalo na dun sa mga nangangailangan talaga. Promise ang sarap sa pakiramdaman. Ingat tayong lahat. Matatapos din tong pandemic na to. Godbless."