Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Lahat ay kayang gawin at handang suungin kahit anong mga pagsubok maitaguyod lang ang mga pangangailangan ng buong pamilya.
Umaapaw, siksik at liglig kung iparamdam ang kanilang pagmamahal at proteksyon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga anak.
Ngunit, kahit pa man sa kanilang walang mapaglagyan at walang humpay na pag-aalaga sa pagpapalaki ng mga anak, minsan may iilan na nababaliwala na sila pagsapit ng kanilang katandaan at sila naman ang nangangailangan ng pag-aalaga at pagkalinga.
Siya ay kinikilalang si Tatay Rene Banaag ng Bantug Bulalo Cabanatuan Nueva Ecija.
Ayon pa kay Jenny, may mga anak pa naman daw ang matanda kaso pinababayaan nalang nila ang kanilang ama tumira sa isang barong-barong at hindi na inaasikaso. Nakakain lang din ang matanda kapagka may mga mabubuting loob na nag-aabot ng tulong at pagkain.
Namamalimos nalang din umano si Tatay Rene sa kahit saang lugar, at dahil sa walang na ring nag-aalaga kahit isa sa mga anak nito ay nangangamoy na ang matanda.
Dahil sa awa sa naging sitwasyon ng matanda, mas minabuti ni Jenny na i-post ang kasalukuyang pinagdadaanan ng matanda upang manawagan ng tulong.
Hello po Sir #raffytulfoinaction Gusto ko Lang po Sana na matulungan nyo po Ang kawawang kalagayan nato. May mga anak po yan hindi Inaasikaso ng mga anak, namamalimos Lang po sa kung Saan Saan.
Walang nag aalaga po at mapanghe na nakatira Lang po sa barong barong, inaabutan Lang po ng pagkain. Sana po matulungan niyo sir.
Please share po Para Maka rating sa kinauukulan.
Ang pangalan po ni tatay ay RENE BANAAG
LOCATION NI TATAY BANTUG BULALO CABANATUAN NUEVA ECIJA
#idolraffytulfoinaction
#DSWDMayMalasakit
#DSWD
#concerncitizen
***
Source: Jenny Rose Leonardo Ventura
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!