Si Baby Jake |
Kalunos-lunos ang sinapit ng 2 anyos na bata matapos makuryente nitong Biyernes.
Labis ang lungkot na nararamdaman ng mga magulang ng nasawing bata. Kuwento ng ina na si Eloisa, pinagtitimpla n'ya si Jake ng gatas nang makarinig ng pagputok.
Aniya, naisuksok ng bata ang kutsara sa extension cord. Sinugod pa nila ito sa ospital ngunit binawian na ito ng buhay.
"Noong bubuksan ko na ang pintuan may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what," sabi ni Eloisa.
"Napasigaw ang asawa ko, ang sabi niya lang, si Jake na-ground," dagdag niya.
Sabi ng Meralco, may mga paraan para maiwasan ang ganitong aksidente.
"Maaari talagang maaksidente 'pag 'yan ay kinalikot or kapag may object na bakal na in-insert o kaya iyong daliri, inilagay mismo sa opening ng outlet, sabi ni Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco.
"Kung hindi naman po kailangan ng extension huwag na po tayo gagamit po niyan sapagkat hindi rin po ganoon ka-safe," dagdag niya.
Nananawagan ngayon ng tulong ang pamilya Angara.