"Hindi Grades o Diploma Ang Batayan," Negosyanteng diskarte, sipag at dasal ang naging puhunan sa tagumpay - The Daily Sentry


"Hindi Grades o Diploma Ang Batayan," Negosyanteng diskarte, sipag at dasal ang naging puhunan sa tagumpay




Sipag, Diskarte at Pananalig sa Diyos ang naging pinaka puhunan ng isang netizen sa kanyang journey sa pag abot ng kanyang tinatamasa ngayong tagumpay at magandang buhay. 


Pinagmumulan ng inspirasyon ang kwentong karanasan na ibinahagi ni Ian Gonzeles mula Batangas City, na siguradong maghahatid ng ideya at aral sa lahat kung paano niya naakamit ang tagumpay sa buhay. 


Sa kanyang post, saad niyang hindi batayan ang matataas na marka at maging ang diploma upang magtagumapay sa buhay, bagkus ang pagkilos at tamang diskarte ang kailangan lalo na sa panahon ngayon na halos lahat ay nararanasan ang kahirapan.



Makikita din sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang social media account ang mga negosyo na kanyang naipundar dahil sa pagsisikap at pagtitiwala sa biyaya ng maylikha, kahit pa sa mabababa niyang mga marka na nakukuha noon.




"Hindi Grades o Diploma Ang Batayan sa Panahon Ngayon. Kilos mo, galaw mo at  Diskarte mo Yan Ang labanan  Sa Panahon Ngayon." ito ang naging paniniwala at opinyon ni Ian.



"Sipag at Tiyag lang Samahan muna din ng Dasal 🙏 Lahat tayo aasenso 😇🙏 Salamat po papa G araw araw blessing😇😇😇🙏🙏" dagdag niya sa kanyang post. 





***

Source:  Selaznog Nai

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!