"HANGGAT MAAGA, PUTULIN MO NA AGAD YUNG SUNGAY," Payo ng ama sa pagdidisiplina sa anak - The Daily Sentry


"HANGGAT MAAGA, PUTULIN MO NA AGAD YUNG SUNGAY," Payo ng ama sa pagdidisiplina sa anak



Larawan mula sa OGADventure Page


Lahat ng mga miyembro ng pamilya at mga magulang ay may sariling mga paraan kung paano nila dinisiplina ang kanilang mga anak. 


Ibinahagi ng isang ama ang kanyang mga sariling pamamaraan ng pagbibigay pangaral sa kanyang anak habang ito'y bata pa. 


Ibinahagi ni Daddy O sa kanyang page kung paano niya dinidisiplina ang anak upang lumaking may takot pero puno parin ng pagmamahal. 


"Siguro nga, eto na talaga ang pinakamahirap sa parenthood, kung paano mo madidisiplina ang anak mo. Napakahirap pero rewarding kapag nakikita mo na yung effect,"



Sang-ayon din ang karamihan sa mga magulang na nakakabasa sa naturang post, maging sila man ay may mga paraan ng pagdidisiplina, pero iisa lang nag layunin, ito ay ang maging marespeto at lumaki sila ng maayos.


"Tama.ako napapalo ko mga anak ko nung maliliit pa at Kung ilan taon sila Yun din ang Palo nila sa pwet. Pag nag aaway pare pareho silang may Palo after nun sasabihin ko Kung bakit ko sila pinalo. Now malalaki na sila pero Hindi sila pasaway. lumaki sila sagad SA pangaral para sa future nila. Walang bisyo.proud mother ako Kasi lumaki sila Ng maayos." komento ng netizen na si Thessa Camu Redaza Vazquez.


Narito ang kanyang buong post: 


HANGGAT MAAGA, PUTULIN MO NA AGAD YUNG SUNGAY ..

Lumaki ako sa disiplinadong pamilya, may takot kay Mama at Papa. Pero naisip ko, baket kahit takot kami, mahal parin namin sila? 


Then I realized, tama sila ng pagdidisiplina samin. Kasi hindi kami nagkimkim ng galit. In fact, naging mabuti kaming tao.


Kaya nung nagka baby ako, nagset ako ng batas sa bahay, when I say No, No! Hindi pwedeng lahat makukuha mo ng hindi mo pinaghihirapan. Na kahit maglumpasay ka dyan, kapag di mo deserve, hindi namin ibibigay ang gusto mo. 



Bawal mo ako pagsabihan sa harap ng anak ko, na para bang pinagtatanggol mo sya kahit mali, kasi matatatak sa utak nya na kontrabida ako, na kalaban ako, na di ko sya mahal na pwedeng dun magsimula ang galit nya. 


Pati ba magulang namin bawal kami pagsabihan sa tapat ng bata? Oo. isa yan sa pinakiusap ko sa Mama ko na wag ipapakita sa bata na kinakampihan sya , na mali ako at sya ang tama. 


Ako lang at tatay nya pwedeng mamalo kay Baby O.(Pati narin siguro Lola nya at Mama Tita nya)  Kung may nagawang di maganda anak ko, sabihin mo sakin, pero wag na wag mong papagalitan o dadampian ng kamay mo. Kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan.


Iba yung sarap sa feeling kapag nakikita mong nadidisiplina mo anak mo, na isang tingin mo lang susunod na sya, na hindi sya pwede magtantrums sa mall kasi alam nyang lalu syang hindi mapagbibigyan sa gusto nya, na hindi siya pwedeng maging bastos sa nakakatanda kasi mahaba habang sermon kapag ginawa nya yun.


Pero syempre sa lahat ng pagpapagalit namin sa kanya, minimake sure namin na naeexplain namin baket namin nagawa o nasabi yun , then we tell her how much we love her then we kiss each other. She will say sorry and we will also say sorry. 


Siguro nga, eto na talaga ang pinakamahirap sa parenthood, kung paano mo madidisiplina ang anak mo. Napakahirap pero rewarding kapag nakikita mo na yung effect 😉


#MommyOsDiary : HANGGAT MAAGA, PUTULIN MO NA AGAD YUNG SUNGAY.



#Parenting101  #MyChildMyRules 


***

Source:  OGADventure

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!