Bukod sa mga pampaswerteng inaalok ng mga intsik, hindi na kaila sa marami na may pinoy version din ang mga panindang tulad nito; mga kasangkapan na ginagamit ng ilan sa ating mga kababayan sa paniniwalang may dala itong biyaya, proteksyon o tulong na naaayon sa kanilang mga pangangailangan.
Isang halimbawa na dito ang gayuma na ginagamit ng mga taong bigo sa pag-ibig na may matinding pagnanais na makatuluyan ang taong labis nilang gusto ngunit ayaw sa kanila o mahirap makuha.
Kung dati ay nabibili lang ang mga ganitong materyal sa iilang tindahan na kadalasan ay patago pa, ngayon ay napakadali na nitong mahagilap dahil maging ang selling app na Lazada ay pinasok na rin ng mga nagbebenta nito.
Sa Facebook post ng netizen na si Jerome Cawaling II, ibinahagi nya ang ilan sa mga nakita nyang mga kakaiba at mamahaling paninda na nasa Lazada. Ilan sa kanila ay ang 'hiyas ng reyna ng langgam', 'i love you seed', 'mutya ng kabute na may nakatirang duwende', at 'mutya ng kulog'. Umabot pa sa P7,000.00 ang halaga ng isang item na kung tawagin ay 'hiyas ng ahas'.
Pumatok naman ang mga ito sa netizens at dinagsa ng samu't-saring komento. Ngunit ang labis na pumukaw ng kanilang atensyon ay ang 'sapatos ng dwende na naging bato'.
Narito ang screenshot ni Jerome sa mga naturang paninda: