Dalawang maituturing na self-made billionaire sa Korea ang nangakong magbibigay ng kahalati ng kanilang kita o kayamanan sa kawang-gawa - na bihira umano mangyari sa nasabing bansa.
Ang founder ng pinakamalaking messaging app sa Korea na Kakao Talk na si Kim Beom-Su ay unang nag anunsyo na siya ay mag dodonate ng higit sa tinatayang $ 9.6 bilyong mga assets upang subukang "malutas ang mga isyu sa lipunan".
Ang balitang ito ay sinundan naman ng isa pang biyaya mula kay Kim Bong-jin na may-ari naman ng food-delivery app na Woowa Brothers na magbibigay din ng tulong.
Si Kim Bong-jin at ang kanyang asawa na si Bomi Sul, ay naging kauna-unahang South Koreans na pumirma sa Giving Pledge.
Ang nasabing kawang gawa ng mga pilantropo ay sinaayos nina Bill at Melinda Gates, kasama si Warren Buffett, para sa mga bilyonaryong magbibigay ng kahit kalahati ng kanilang yaman.
Sina Kim ay kakaiba umano sa mga bilyonaryong Koreano na kadalasan ay tagapagmana ng ilang henerasyong mga founder ng tinatawag na chaebol, o mga pamilyang nagma may-ari ng mga konglomerate at ubod ng yaman mula noon pa man.
Hindi tulad ng mga tagapagmana ng chaebol na minana ang kanilang kayamanan mula pa sa kanilang mayayamang angkan, kapangyarihan at koneksyon, ang dalawang Kim ay ipinanganak sa pamilyang pangkaraniwan o tinatawag na working-class.*
Kim Beom-su founder ng Kakao Talk messaging app |
Inilarawan ni Kim ng Woowa Brothers na mula sa "humble beginning" ang kanyang naging tagumpay kung saan siya ay naninirahan sa isang maliit na isla.
Aniya, ang kanyang mga magulang ay nagmamay-ari ng maliit na kainan kung saan siya ay natutulog tuwing gabi.
Pangarap umano niyang mag-aral sa isang art high school, ngunit dahil sa hirap ng buhay, napilitan siyang mag enrol nalang sa isang mumurahing vocational school.
Aniya, ang kayamanan ay mas may halaga kapag ginamit ito para sa 'dakilang kapakinabangan' upang matulungan ang higit na nangangailangan.
“We are certain that this pledge is the greatest inheritance that we could provide for our children.” ayon pa sa mag-asawang Kim ng Woowa Brothers.
Kim Bong-jin, founder ng food delivery app na Woowa Brothers |
Samantala, ayon sa website ng Giving Pledge, mayroong mahigit 200 bilyonaryo na mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nagbigay ng kanilang donasyon.