2-taong-gulang na bata, imbes na gatas, sigarilyo ang hanap mula pa 18 mos. old - The Daily Sentry


2-taong-gulang na bata, imbes na gatas, sigarilyo ang hanap mula pa 18 mos. old




Tunghayan ang kwento ng isang bata na halos katutungtong pa lang sa kanyang ikadalawang taong gulang nang magsimulang magkaroon ng bisyo sa mga panahong dapat sana ay puno pa ito ng kamusmusan.   




Kung ang karamihan sa mga bata lagpas isang taong gulang ay paglalaro ang libangan, malayo dito ang sitwasyon ng isang bulilit dahil sa kanyang kakaibang interes na talaga namang gumulantang sa marami matapos hindi makapaniwala sa sinapit ng bata. 




Kilalanin si Ardi Rizal, ang 2-taong-gulang na paslit na sa unang tingin ay aakalain mong walang maling gawi dahil sa cute na itsura, ngunit sa likod ng nakakatuwang anyo ay ang nakakagulat nitong gawain na hindi pangkaraniwan. Imbes na pagkain o bote ng gatas ang hawak-hawak, sigarilyo ang nasa kamay nito.







Ayon sa kanyang mga magulang, unang beses nasubukan ni Ardi na manigarilyo noong sya ay 18 months old pa lamang o isa't kalahating taong gulang. 


Bunga ng hindi maitatangging kapabayaan, labis na nawili sa paninigarilyo ang kawawang musmos hanggang sa umabot na sa puntong hindi na sya mapigilan o maawat sa pagwawala kahit pa mismo ng kanyang sariling mga magulang sa tuwing tumatanggi silang bigyan sya ng yosi kapag humihingi ang bata nito. 


Kung kaya naman nagtamo ng mga sugat at bukol sa ulo ang bata dulot ng kanyang pagta-tantrums kapag hindi nasusunod ang kagustuhang manigarilyo.






Dahil walang malay ang bata sa kapahamakang dala nito, daig pa nya ang ibang matatanda kung humithit ng sigarilyo. Base sa ulat, apatnapung stick o dalawang kaha ng sigarilyo ang nakokonsumo ni Ardi kada isang araw. 


Dinayo pa ng foreign press ang bata sa kanilang tahanan dahil sa alarmang idinulot ng kanyang video na nag-viral sa buong mundo. Bumuhos naman ang reaksyon ng mga netizen na nakasaksi dito na puno ng galit at pagkadismaya sa mga magulang ng bata.






Sa kabilang banda, naging hudyat naman ang pagkalulong ng nasabing bata sa sigarilyo sa mas pinaigting at pinalawak pang kampanya ng WHO o World Health Organization laban sa paninigarilyo. Agad ding inaksyunan ng mga otoridad ang pangyayari kung saan kinailangang isailalim sa rehabilitasyon ang bata para matulungan at mailayo sa naturang maling gawain. 








Panuorin: