Bata, naospital dahil sa nalalanghap na usok at pagka-expose sa mga taong naninigarilyo - The Daily Sentry


Bata, naospital dahil sa nalalanghap na usok at pagka-expose sa mga taong naninigarilyo




Hindi mawawala sa lahat ng mga Ina ang sobrang pag-aalala sa tuwing nagkakasakit ang kanilang mga anak lalo na kung ang dahilan ay ang kapabayaan at bisyo ng ibang tao. 


Marami sa mga Pinoy ang hindi alintana ang malubhang sakit na maaaring maidulot ng paninigarilyo, hindi lang sa kanilang sarili kundi maging sa mga nakakalanghap ng usok nito, lalong-lalo na sa kalusugan ng mga bata. 


Marami ang namulat tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo para sa mga batang walang muwang sa posibleng kahihinatnan ng kanilang kalusugan dahil sa pagka-expose mula sa mga usok at sa mga taong gumagamit nito.



Ibinahagi ng isang magulang na si Mary Joy Angeles Villanueva - Llanera ang nakakaawang dinanas ng isang batang nagka-Pneu monia dahil sa kapabayaan at bisyo sa paninigarilyo ng mga taong nakapaligid at nakakasama sa bahay. 


"Ang usok ay may nico tine at iba pang chem icals na maaring makakasira sa kalusugan ng tao (sa bata pa kaya)?. Pag once maka langhap ang bata ng usok ng sigarilyo ay unti unti nitong sinisira ang baga,"



"At ito yung sanhi kong bakit mahihirapan ang batang huminga dahil ang daanan ng hangin halos matatakpan ng ng plema. Mas prone ang bata sa pneu monia lalo na di sila marunong lumungad ng plema, kung hahayaan ito maaaring magiging sanhi ng pagkama tay." 


Paalala rin nito sa lahat ng mga magulang na maging maagap pagdating sa kalusugan sa mga bata, hindi dahil sa kaartihan kundi para maiwasan ang pagkakasakit at maprotektahan sila sa kahit anong kapahamakan.


"Di yun kaartihan kundi para sa magandang kalusugan ni baby! Wag niyong antayin na ma admit pa anak niyo dahil sa lin tik na sigarilyo nayan,"



"Dahil unang una bata ang kawawa at mas apiktado hindi ang mga gumagamit ng segarilyo! Ang karamdamang di dapat sa bata sila ang nagdurusa sa sakit at luha!," 


Narito ang buong post:





Mga tao: Ang lusog bakit may Pneu monia?


(Pediatrician was asking me if may naninigarilyo ba sa bahay?)


Me: YES. 


Pedia: Yun ang pina ka unang dahilan bakit nagkaroon ng plema ang baga ng bata. Ang smoke o 2nd hand smoke galing sa mga taong mahilig mag yoyosi  ay mas matindi pa ang sasapatin ng nakakalanghap nito kesa sa naninigarilyo. 


Ang usok ay may nico tine at iba pang chem icals na maaring makakasira sa kalusugan ng tao (sa bata pa kaya)? 



Pag once maka langhap ang bata ng usok ng sigarilyo ay unti unti nitong sinisira ang baga habang binabalot ito ng nico tine  dahilan ng mabilis na pagdikit ng ibat ibang uri ng b*cteria at plema kasi habang sinisira ng nico tine ang lungs o baga ay mawalan ng kakayahang lumaban ang lungs na i release ang mga nka dikit na b*cteria sa kanya hanggang sa dumarami ito. 


At ito yung sanhi kong bakit mahihirapan ang batang huminga dahil ang daanan ng hangin halos matatakpan ng ng plema. Mas prone ang bata sa pneu monia lalo na di sila marunong lumungad ng plema, kung hahayaan ito maaaring magiging sanhi ng pagkama tay.


Once na admit ang bata dahil sa pneu monia dapat ay umiwas na sa usok ng yosi, sapagkat the more may nagyuyusi the more din mabilis magkakasakit si baby at mas lumala pa. 


Me: Paano kami maka iwas na mismong membro ng bahay  namin ay may gumagamit ng yosi?, hal.(lolo, papa, mga aunte, uncle, may iba nga sariling ina, minsan mga bisita) paano kami maka iwas kung ayaw nila maniwala at makinig sa amin? 


Pedia: sabihin mo silang layas! Bawal sa bata ang usok, o kahit pa kakatapos lang ng paninigarilyo at lumapit o halik agad sa bata ay bawal. Maaring may b*cteria parong naiwan sa kamay at bibig ng mga naninigarilyo na maaring lumipat sa bata. 


Kailangan bago lumapit sa bata pagkatapos mag yosi na distansya sa bata ay mag hugas muna ng kamay at toothbrush kailangan uminom ng tubig para siguradong safety na ang bata.


Me: kadalasan gingawas nila nagyoyosi sa harap ng bata, hawak agad kahiy di pa tapos mag yosi halik agad. Kaya pala😰.


Pedia: kung ayaw nila makinig pag magkasakit ang bata obligado din sila nun? Sino mamomroblema pa gamot sa bata damay din sila nun!? Kung mahal nila ang bata, iwasan nilang malagay sa alanganin ang kalusugan nito. 


Dahil unang una bata ang kawawa at mas apiktado hindi ang mga gumagamit ng segarilyo ! Ang karamdamang di dapat sa bata sila ang nagdurusa sa sakit at luha! 



Me: ano po ba symptoms na may pneu monia na ang baby?


Pedia: 

*ubo (kahit di gaano lagi inuubo si baby)

*Hirap huminga (mabilis ang paghinga na parang naghahabol dahil yan barado na ng plema ang daanan ng hangin n baby sa lungs kahit wala syang sipon at tingnan ang tummy ni baby dun malalaman kung mabilis ba syang huminga) 


*halak sa lungs ( paringgan niyo ang dibdib o likod ni baby kong may halak bah.. Lalo na pag matulog akala nyung hilik is plema na pala. 


Pag normal na halak sa bandang lalamunan niyo lang madinig pag may pneu monia na every hinga ni baby is parang may tunog na)


**ipa check up agad  kung nasa 4 pataas na araw na ang ubo ni baby.**


Ps: sa lahat ng gumagamit ng sigarilyo please keep distance from children before using the smoke. Alam niyo na yan dahil nakalagay yan sa cartoon ng segarilyo. "cigarette smoking is d*ngerous to our health" isipin niyo kapakanan ng bata wag puro sarili!


Di yun kaartihan kundi para sa magandang kalusugan ni baby! Wag niyong antayin na ma admit pa anak niyo dahil sa lintik na segarilyo nayan! 


At mommy ang pneu monia di lang dahilan ng segarilyo, baka taka kayo walang segarilyo pro inuubo si baby. Malaki rin ang % sa laging matuyuan ng pawis ang likod. Delikado rin yun. 


Ingatan nlang pis si baby mas nasa ating mga kamay ang kanilang kaligtasan at buhay. Pag baby ang usapan wag agad maniwala sa mga sabi sabi o home remedies lang, like pagpapainom ng herbal kay baby, di po natin alam ang dos age ng gamot na pinapainom natin sa kanila at dos age na kaya lang ng katawan ng bata, kaya aware tayo jan, 


unang una nanay tao at di doctor. Kailangan humingi muna ng payo mula sa doctor bago magpatake ng ibat ibang gamot ni baby.


 ***

Source: Mary Joy Angeles Villanueva - Llanera

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!