Larawan mula sa post ng Facebook page | Tita Kim |
Ang pagpapakasal ay isa mga pinaka-importante at malaking okasyon na pinaghahandaan ng mga mag-asawa. Ito rin marahil ang araw na magkakahalong emosyon, saya at lungkot ang nararamdaman ng mga magulang para sa kanilang mga pinakamamahal na mga anak.
Kalaunan, parehas ng bubukod mula sa puder ng kanilang mga magulang at bubuo na ng kanilang sariling pamilya.
Bumihag sa damdamin ng mga netizens ang isang social media post ng isang bride na mas piniling maging simple lang ang seremonya at selebrasyon ng kanilang kasal.
"Mas gusto kong ihatid sa simbahan gamit ang tricycle na naging malaking parte ng aking buhay👌"
Ito ang kanyang pamamaraan upang magpasalamat at magbigay karangalan sa lahat ng sakripisyo, pagpupursige at pag-aalaga sa kanila at sa araw-araw nitong pamamasada maitawid lang ang mga pangangailangan nila.
"I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all his hardworks as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya."
Narito ang kanyang buong nakaka-inspire na post:
Yes, it’s a Bridal Trike💕
That same tricycle in the photo is my Papa’s trike — na bumuhay sa akin for several years... and yes I wanna honor my Papa on the day of my wedding💒
As we are preparing para sa kasal, sabi ko, I don’t wanna make it fancy— I want it to speak of me and my life🧡
I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all his hardworks as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya.
I want him to bring me to church. I want him to drive this tricycle papuntang simbahan bago ako lumakad sa altar🥺 I wanna show him that I am proud of him and that I can never be where I am today— without his hardworks and support🙏🏼💕
Gusto kong iparamdam sa kanya na sa pinaka-espesyal na araw ng aking buhay, I ACKNOWLEDGE AND HONOR him JUST AS WHO HE IS — walang halong echos!👌 Proud ako sa kung sino s’ya. Proud ako na s’ya ay isang mabuting ama. Proud ako na s’ya ay matapat na tricycle driver. At proud ako na ako ay kanyang anak🥺🧡💕
Okay lang napawisan ako at nainitan while waiting sa labas ng simbahan— walang wala yun kumpara naman sa init at pawis na kanyang dinanas upang maitawid kami sa pang-araw araw😊
I love my father and this is my way of showing my GRATITUDE for all he has done— the sacrifices and care. Na kahit hindi s’ya professional na tao, he acted professionally by being a responsible father 🧡 Higit pa s’ya sa mga propesyonal na tao by simply being a good man 🥺🧡
I will be forever thankful to this man behind the Bridal Trike👌🥺💕 And this is one of the happiest part in my wedding— to see my Father driving that Tricycle for me, with love❤️
#AngBridalTrike
Gown by: RMJ Haute Couture
📸 Bree Hikilan Photography
***
Source: Tita Kim
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!