Larawan mula sa DPWH-Caraga |
Hinahangaan ngayon ng marami ang katapatan na ipinakita ng isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na hindi nagdadalawang isip i-turnover at isauli ang bag na may lamang malaking halaga na pera.
Siya ay si Mr. Bernardo Dela Cruz isang survey aide ng ahensya, idolo ang katapatan dahil hindi kailanman nagpasilaw sa pera na kanyang napulot.
Pagkukwento ni Bernardo, nagbibisikleta siya pauwi galing ng palengke bitbit ang biniling konsumong dalawang kilong bigas at saging nang makita niya sa gilid ng daan ang isang kulay itim na bag.
Kaya't mas minabuti niyang isangguni ang napulot na mga pera at mahahalagang dokumento sa DPWH Administrative Division Chief, Atty. Joey D. Gingane, at sila na ang umaksyon at gumawa ng paraan para ma tukoy ang nagmamay-ari ng mga pera at mga ibang gamit.
Kanilang napag-alaman, ito'y pagmamay-ari ng isang Supervisor-Cashier na si Jean A. Hinayon, ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative (SIUFMULCO) sa Santiago, Agusan del Norte.
Kaya agad niya itong ini-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Aminado si Jean na sobra ang nararamdamang niyang takot at pag-alala, dahil baka 'di niya na mahanap ang pera at wala siyang pambayad sa malaking halaga na nawala.
Itinurn-over ni DPWH Regional Director Pol M. Delos Santos at ni Bernardo ang nakitang bag at lahat ng laman nito sa mga miyembro ng kooperatiba kasama ang supervisor na si Jean, upang personal na magpaabot ng kanilang pasasalamat sa kabaitan at katapan ni Bernardo.
Natuwa naman si Delos Santos sa ipinamalas na magandang ehemplo at aksyon ni Bernardo, na hindi nagpadala at hindi nagpabulag sa kasilawan ng pera.
“His honesty and action are worthy of emulation. Mr. Bernardo Dela Cruz embodies the core values of DPWH." saad niya.
Umaapaw naman ng mga paghanga at pagsasaludo ang mga netizens sa katapatan ni Bernardo:
He deserve to be promoted as for commendation. He is a man of Integrity who set by example and a worthy of emulation. God bless sir🙏🙏🙏 - Rea Reyes Dizon
Hats off to you sir. Thank you for setting a good example as a true public servant.You're good deed is inspiring. May you be blessed abundantly. - Maribeth De Vera Estacion
MR. BERNARDO DELA CRUZ, DPWH Caraga, you have my respect, sir. I hope and pray that all the other employees of your office are as honest as you. 🙏🙏 - Gélun Yiwàn Yu
***
Source: DPWH - Caraga
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!