Larawan kuha mula kay Jong Madaliday |
Likas sa karamihan ng mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkanta maganda man o hindi ang timbre ng mga boses. Bumabaha din ang mga Pinoy na may mga de-kalidad at de-kalibreng mga talento sa pagkanta at 'di maipag-kakailang nakikilala at iniidolo hindi lang sa sariling bansa kundi ng buong mundo.
Ngunit habang ang mga ibang lahi ay 'di magkamayaw sa kanilang papuri at patuloy na paghanga sa mga magagaling na mga mang-aawit ng bansa, marami din sa mga kapwa Pinoy ang siyang naninira at nanghihila pababa ng kapwa nila.
“T***-i** ka, Hay*p ka. Bakit ganyan ang ilong mo? L*ntek na ilong ‘yan, butas-butas!” ito ang isa sa panglalait mula sa grupo ng mga kabataang naka-video chat niya.
Ayon kay Jong, gusto lang naman niya sanang magpasaya sa mga kababayan niya, ngunit naging ganun pa ang naranasan niya.
"Gusto ko lang naman kayo pasayahin pero bakit ganun? Haha 1st time ko dito andami kasi nagrerequest na mga Pinoy naman daw haranahin ko pero ganito ang naingkwentro ko."
“MAS OKAY NA ‘YONG B*GB*GIN KA, MATATANGAL PA ‘YONG SAKIT PERO MASASAKTAN KA EMOTIONAL SH*T, ‘DI KO KAYA." Patuloy pa niyang paglalabas ng sama ng loob.
Dahil sa nangyari, hiling niya na nasa sa ibang bansa nalang siya nakatira, baka mas maapreciate at matatanggap pa siya ng mga di niya kalahi.
“Mas ma-a-appreciate nila ang hitsura ko, ang kulay ko, at ang talento ko. Napaka-hirap mag-excel sa Pilipinas kung ‘ganito’ ka lang (sad face emoji),” aniya pa.
Sambit ng isang naka-chat ni Jong na taga-US, bakas ang gulat na gulat nang marinig siyang kumanta, "If I have a golden buzzer right now, I've been hitting that."
Paliwanag ng Kapuso singer, ipinost niya ang pangit na naranasan niya na panglalait upang ipaalam sa lahat na walang magandang maidudulot ang pang-iinsulto at pamb*b*lly ng ibang tao.
"Hindi ko lang ito pinost para sakin, pinost ko'to para sa lahat ng mga binub*lly rin to raise awareness na it's not okay, may nasisirang mga buhay dahil sa pagiging reckless either it is unintentional or what."
Ilan sa mga banyaga na sobrang nagulat nang marining ang boses ni Jong |
"Wala naman mawawala satin kung magiging kind tayo sa isa't isa. Let's spread happiness and be kind to everyone please. Kasi di natin alam sa konting act ng kindness natin nakakasave tayo ng buhay. Please be kind please. 💕 sending my love to you guys stay safe"
Pilipino nowadays, gnyan na tlaga mga pinoy ngayon kuya jong. Ang sakit man isipin at tanggapin. hays. Nkaka baba ng self confidence and self-esteem. Think positive lng ta always💪💙 - Carl Leoncio Manzanadez
Hayaan mo yan kuya jhong sabi nga nila di nila kauunlad mga panlalait nila, isipin mo marami paring sumusupporta at nagmamahal sayo ! Pawer - Albert Alonzo
***
Source: Bandera
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!