Php 10,000 Weight Loss Challenge ng isang Ama sa Anak, Kinagiliwan ng Netizens - The Daily Sentry


Php 10,000 Weight Loss Challenge ng isang Ama sa Anak, Kinagiliwan ng Netizens



Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account

Kapag Christmas season, tiyak na kaliwa’t-kanan ang mga kainan at handaan. Nariyan ang mga Christmas party kasama ang mga kaopisina, dinner kasama ang mga kaibigan, o kaya naman reunion kasama ang pamilya. 

At sa okasyong ito madalas ay mahirap iwasan ang pagdami ng kinakain, lalo na at marami at masarap ang mga nakahain sa hapag-kainan. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyansa na mapabayaan ang ating timbang.


Madalas maging suliranin ng iba ang pagtaas ng timbang o pagtaba ng pangangatawan sa panahon ng kapaskuhan at selebrasyon ng bagong-taon. Kaya naman matapos ang okasyong ito ay bumabawi ang iba at kabila-kabila na ang ginagawang paraan ng pagda-diet.

Ngunit ano nga ba ang pinakamabisang paraan upang upang magbawas ng timbang at magbalik ang balingkinitang pangangatawan? Ehersisyo nga ba o Diet? Ano nga ba ang kinakailangang motivation upang mas mapabilis ang pagnanais na pumayat muli?

Dahil diyan, lubhang kinagiliwan ng netizens ang Facebook post ng isang ama kung paano niya imotivate ang anak na magbawas ng timbang.

Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account


Umani ng saya ang hamon ng amang si Jeric Paolo De Jesus sa anak nitong si Jelaine Paola De Jesus kung paano mag-papapayat ang anak. Ang hamon ay pinagtibay pa ng isang 'written agreement' na pinirmahan mismo ng mag-ama.

Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account



Ang weight loss challenge na ito para kay Jelaine ay kailangang maganap sa loob lamang ng limang buwan na may kaakibat na Php 10,000 kapag kanyang naabot ang hinihinging timbang ng amang si Jeric.

Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account

Ayon sa huli nasa 69 kg na kasi ang kanyang anak at malapit ng magdalaga kaya naman kanyang inalok na ito ng challenge para mag-diet. Natatakot na rin diumano ang ama para sa anak sa panahon ngayon na ayon sa kanya ay pabata na ng pabata ang inaatake sa puso.

Mabilis namang nag-viral ang post na iyon ni Jeric at umani ng napakaraming reactions, comment and shares.

Marami din ang nagpakita at nagpaabot ng suporta para kay Jelaine na sana ay magawa niya ang hamon at makuha ang Php10,000 na premyo mula sa ama.

Narito ang ibat-ibang nakakatuwang comments mula sa mga netizens:



Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account


Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account


Photo credit to Jeric Paolo De Jesus' Facebook account





SourceJeric Paolo De Jesus | Facebook