Perang ipon ng isang depositor ng Bangko, nasimot dahil lang sa isang maling "Click" sa fake Email - The Daily Sentry


Perang ipon ng isang depositor ng Bangko, nasimot dahil lang sa isang maling "Click" sa fake Email



Larawan mula kay Katrina Lovely Constantino


Habang karamihan ay subsob at magpakahirap sa pagtatrabaho sa marangal paraan upang kumita at makapag-ipon ng pera, hindi rin nawawala ang mga panloloko ng mga taong wala ng ginawa kundi nakawin at angkinin ang mga pinaghihirapan ng iba. 


Mas pinipili ng karamihan ang paglalagay ng kanilang mga savings sa mga bank accounts ng mga Bangko dito sa bansa, sa pag-aakalang mas safe ang kanilang mga iniipong pera. 



Ngunit, kahit pa gaano kahigpit ang mga safety and security measures meron ang mga bangko para protektahan ang kanilang mga kliyente at depositors, walang patid din ang mga pamamaraan ng mga online sc*mmers upang makasimot ng mga perang pinagpapawisan ng iba. 


Katulad nalang ng nakakaguhong karanasan na ibinahagi ni Katrina Lovely Constantino, sa bank account ng kanyang Ama mula sa isa sa pinakamalaking Bangko dito sa bansa, kung saan nabiktima ito sa panloloko at walang tinira sa kanyang iniingat-ingatan na tinatabing pera. 


Labis nalang umano ang lungkot ng ama ni Katrina dahil ang lahat ng perang nasa bangko niya ay kita niya sa panglilinis at pangrerepair ng mga aircon.




"IBALIK NYO ANG PERA, HINDI NYO PINAHIRAPAN YAN, PINAGHIRAPAN NYA YAN KAKALINIS NG AIRCON AT KAKAREPAIR,MAKE YOUR OWN MONEY." 


Nakatanggap lang umano ang ama niya ng isang E-mail mula sa akala niya’y orihinal na galing sa Metrobank na nagsasabing “Your Account Has Been Disabled” dahilan daw sa mga unusual transaction na nakita sa kanyang account. 



Nakasaad pa sa kopya ng larawan ng Email na kanilang natanggap, kailangang i-update ang mga impormasyon na napaloob sa account upang maibalik ang naturang access nito sa online banking at pindutin ang “Reactivate Account” button. 




Aminado naman si Katrina na hindi techie ang kanyang magulang pagdating ganitong mga transaksyon, kaya agad naman daw niyang pinindot ang “Reactivate Account” na naging hudyat para mabigyan ng access ang mga may masamang planong simutin ang lahat ng lamang pera sa kanyang bangko. 


Dito na nakita nila Katrina ang mga “Successful Transaction” ng pagtatransfer ng pera ng mga manloloko mula sa account ng kanyang ama at walang natira sa pinaghirapan nito.  


Agad nila itong inireport sa Metrobank at isang nagngangalang Jeffrey Esguerra ang nambiktima sa kanila, gamit ang isang iPhone 12 sa panloloko at pagtransfer na pera sa sariling nitong UnionBank account. 






Marami na ang mga kwentong naibahagi ng katulad ng masaklap na nangyari sa ama ni Katrina, na nabiktima ng Phishing, idinadaan lamang ang kanilang panloloko sa pagpapadala ng Email at magkunwaring taga-Bangko. 



Kinokopya nito ang ibang mga Email features at information ng mga bangko, kaya’t sa unang tingin at kung ‘di ka pa aware sa ganitong talamak na panloloko ay mahuhulog ka talaga sa kanilang pain. 


Meron ding sa mga netizen ang nagbahagi ng kanilang karanasan, na parehong nakatanggap ng E-mail kahit wala naman silang account sa naturang bangko na kanilang ginagamit para sa masamang hangarin.."May nagsend din sakin na ganyan, wala naman ako account sa Mertrobank. 😒 grabe sila!"😔 


Narito ang buong post ni Katrina:




Today, someone we dont know, stole ALL my fathers money from his Bank Account 🤦‍♀️


Early this morning, 5AM, May nagsend ng Email kay papa from a sudden Metrobank account, Disabled na daw ang account ni papa kaya kailangan maretrieve, kaya clinick ni papa ung 'Reactivate Account' 


(hindi naman techie techie si papa kaya click nya) mga bandang 8AM Bigla nalang may UNAUTHORIZED TRANSACTION sa Celphone ni Papa na 'Succesfull Transaction' na daw, kaya agad ko chineck ung account nya, tapos BOOM ubos ang laman 🤦‍♀️ 


Nireport namin agad sa Metrobank at Nagpunta mismo sa Bangko, isang JEFFREY ESGUERRA using an IPHONE 12  na nagmamayari ng UNIONBANK account ang natransferan.  



IBALIK NYO ANG PERA, HINDI NYO PINAHIRAPAN YAN, PINAGHIRAPAN NYA YAN KAKALINIS NG AIRCON AT KAKAREPAIR,MAKE YOUR OWN MONEY. 


#F*CKALLTHOSEH*CKERSANDSC*MMERS


***

Source:  Katrina Lovely Constantino

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!