Panawagan ng tulong para sa matandang nagtitinda sa lansangan, inulan ng pagtugon mula sa mga netizens - The Daily Sentry


Panawagan ng tulong para sa matandang nagtitinda sa lansangan, inulan ng pagtugon mula sa mga netizens




Nag-viral sa social media at bumihag sa malalambot na puso ng mga Pinoy ang post mula sa isang concern cetizen na nanawagan ng tulong para sa isang matanda na patuloy parin ang paghahanapbuhay at pagbabanat ng buto sa lansangan.


Ipinost ni Kym Manalaysay ang kuha niyang mga larawan ng isang Lolo na nag-aalok ng kanyang panindang Candies na siya mismo ang gumawa. 


"Please buy kayo, kapag nadaan kayo malaking tulong yung 20pesos na kay tatay para sa pang araw araw na need niya di natin need maging mayaman to help." panunuyo ni Kym.



Ang sana'y nasa bahay nalang sana nagpapahinga at ini-enjoy ang buhay ng kanyang katandaan, laman parin sa tabing lansangan si Lolo Jacinto kahit pa sa iniinda nitong sakit para matustusan ang pangangailangan at ang binibili nitong maintenance na gamot.




"Ilang hrs na siya dyan hawak yung supot dinadaanan lang siya at ang dami pa rin niyang candy 🙁 For 20 pesos 4pcs na candy, siya mismo may gawa." saad niya. 


"Monday to Sunday po ng 9am to 11am po siya nagtitinda, sabay papahinga kasi diabetic siya  at magtitinda uli ng 3pm to 5pm ng hapon," dagdag ni Kym. 


Ayon pa sa isang nag komento, kilala nila si Lolo Jacinto, sadyang napakasipag daw talaga ng matanda. May kasama padin naman daw ito mga anak, ngunit ang dahilan umano nito kung bakit naghahanapbuhay padin ay ayaw niyang maging pabigat at pasanin pa sa kanyang mga anak. 




"Kapit bahay po namin si lolo jacinto totoo po na napaka sipag ni lolo.tinatanong ko din sya dati bakit nag titinda pa sya lalo na ngayon may covid.. ang sagot nya sa akin..ayaw nya daw maging pabigat sa anak nya kaya nag sisikap siya..god bless you lolo jacinto😊🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻" saad ni Chris De Jesus Ang sa kanyang komento.



"Maayos naman po ang bahay nila sadyang masipag lang si lolo ..siguro ayaw nya lang i asa pa yung gamot nya sa mga anak," dagdag niya. 


Sarap maging Pinoy, marami sa mga Netizens ang nahabag sa kalagayan ni Lolo Jacinto at sa walang pag dadalawang isip ay agad na tinulungan at pinagbilhan ang matanda sa mga paninda nito.


Bumili ako kanina sarap ng candy ni tatay at masarap sa feeling na kahit sa ganitong paraan nakatulong ako - Cherryl Lynn Tamayo

 

Actually po pag lagi po ako na daan dyn nabili po ako sa knya lagi. Minsan hinahanp kopa. Ang tanda na ni tatay pra magtrabaho lagi. Sana nmn may makatulong kay tatay - Shunn




Yan yung nakita namin last 2 weeks ago, bumili kami kay tatay ng candies. Nakakatuwa lang kasi thank you siya ng thank you. Sana pag dumaan kayo diyan bumili po kayo, kahit isa o dalawa malaking tulong na po yun. 🥺 - Victoria Macasaet 


Ayyy nag trend nanaman si Lolo 🥰🥰🥰 Suki ako niyan nung nagwowork pa ako sa Manila ❤️ - Krystel Gargaritano Araneta 


Jeannie Marianne Gantangco Santos sya ung binilhan ko nun ng candy - Yang Cayabyab



Lagi ko din nakikita yan si tatay nung anjan pa ako manila..Matyaga tlga syang nakatayo lng jan at nag aalok ng paninda nya - Karen OLimpo


Narito ang buong post ni Kym:


Guys! Please buy kay tatay kapag nagawi kayong tayuman nandyan siya lagi sa harap ng Kings lalo na weekends at hapon. 




Ilang hrs na siya dyan hawak yung supot dinadaanan lang siya at ang dami pa rin niyang candy 🙁 For 20 pesos 4pcs na candy, siya mismo may gawa. 


Please buy kayo, kapag nadaan kayo malaking tulong yung 20pesos na kay tatay para sa pang araw araw na need niya di natin need maging mayaman to help 🙂  


Matanda na si tatay pero nagsisikap pa din magtinda para sa ikakabuhay ng pamilya, please support him 🙁  



Para sa mga close friends ko na gustong magpabili sakin, sige PM ko sainyo gcash ko. Pero kayo kumuha sakin ng candy ha hahaha! Or pde din pabigay niyo sakin sa street children 🙂





Para lang sa mga friends ko ha, sa ibang di ko kilala kayo na mismo pumunta to support tatay.


Update: Pagbaba po mismo ng LRT Tayuman going monumento may Kings Bakery, doon po siya sa tapat ng Kings Bakery nagtitinda.  Siya po si tatay Jacinto. Monday to Sunday po ng 9am to 11am po siya nagtitinda, sabay papahinga kasi diabetic siya  at magtitinda uli ng 3pm to 5pm ng hapon, ang maintanance niya ay metformin. Nakauwi na po siya ngayong monday January 18,  bukas daw po siya magtitinda ulit. 


***

Source:  Kym Manalaysay

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!