Larawan kuha kay Jo, isang OFW na dinampot umano ng awtoridad sa HongKong dahil sa illegal na pagsa-sideline. | Simple Life |
Mga “modern day heroes” kung tawagin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa kanilang katapangan mangibang bansa para lang maiahon kahit papano ang kanilang naiwang pamilya sa kahirapan. Malaki din ang kanilang tulong at naiambag para sa ekonomiya ng bansa.
Tinitiis ang walang mapagsidlan ng kalungkutan at hindi iniinda ang hirap at pagod sa trabaho para lang sa pamilya.
Marahil sa kagustuhang makatulong at makapag-ipon, karamihan sa mga OFW ay nagsa-sideline din ng kahit ano-anong mga pwedeng mapagkakakitaan, hanggang ang iba ay umabot na sa punto na kahit illegal na trabaho pinapatos na.
Katulad nalang sa naging karanasan na isang OFW sa HongKong kung saan nahuli siya ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng mga pekeng bags, na mahigpit na ipinagbabawal ng bansa.
Kwento ng isang OFW rin sa kanyang Page na “Simple Life” nakita niya ang kapwa Pinay na dinampot ng mga awtoridad dahil sa pagsisikap nitong kumita ng extra income para pamilya, ngunit di na iniisip ang pwedeng kahinatnan ng kanyang sobrang pagsisikap.
"SIYA YUNG. OFW KAHAPON NA HINULI SA CENTRAL. HONGKONG ISANG OFW NA NAG TITINDA NG C*UNTERFEIT BAG SA MAY TABING DAAN SA CITI BANK CENTRAL HONGKONG."
“WEEKLY KO NAKIKITA SI JO NA NAGPAPARTIME. NAGTINDA PARA MAG KA ROON NG EXTRA INCOME PARA SAAN? PARA SA FAMILY.”
Pakistani umano ang naging amo ni Jo sa nasabing sideline niya, ngunit iniwan lang din siya nito nang magkahulihan na.
Sadyang masakit din para sa kanila na makita ang kapwa OFW na walang hinangad kundi ang mapabuti ang pamilya sa Pinas.
“BILANG RAKETERA AT TINDERA ONLINE. MASAKIT MAKITA NA MAY NAPOPOSASAN SA MGA KALAHI MO LALO NAT ANG GUSTO LANG NAMAN AY KUMITA NG EXTRA. PARA MAY MAPADALA SA PAMILYA PERU SADYANG BATAS IS BATAS Dito Sa HONGKONG.”
“KAYA INGAT NLNG MGA KA OFW Lalo na Yung nag partime Sa Daan.”
Nag-iwan din ng pagpapaalala ang naturang may akda ng post sa lahat ng mga pamilya na may OFW na pahalagahan ang bawat sintemo ng mga ipinapadalang pera ng kanilang mahal sa buhay na mas piniling mahiwalay at nagpakahirap para may maipapadala sa pamilya.
“Sana SA MAY MGA NANAY TATAY ATE kuya. Kapatid na OFW Plss pahalagahan nio ang kahit ano mang pinapadala. Dahil di nio Alam ang Hirap para Lang KUMITA.”
***
Source: Simple Life
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!