Owner ng isang Resort sa Cebu, Inulan ng Batikos dahil sa Autism Remarks, Nagbitiw sa Posisyon! - The Daily Sentry


Owner ng isang Resort sa Cebu, Inulan ng Batikos dahil sa Autism Remarks, Nagbitiw sa Posisyon!



Photo credit to the owner

Noong nakaraang buwan, nag-viral online ang isang luxury hotel sa Cebu dahil diumano sa hindi magandang pahayag ng isa sa kanilang owner / shareholder at manager patungkol sa isang batang may 'special needs' na kanilang naging panauhin.

Nagsimula ang kontrobersya nang mag-iwan ang ina ng bata sa Trip Advisory ng isang negative review para sa hotel kung saan kanyang inereklamo ang mga 'lifeguards' doon na paulit-ulit diumano silang nilalapitan sa swimming pool at pinapatahimik sa tuwing napapasigaw ang kanyang anak dahil sa sobrang tuwa at saya.


Photo credit to the owner


"Every time Fin jumps in the water he’d be so happy that he’d laugh and squeal again. I tried hushing him and at one point tried to cover his mouth. But then I realized this is so wrong? This isn’t right at all!" kwento ni Mai, ina ng bata.

"My Fin is a happy child. He has autism. He is special. Very special! I will never consider staying here ever again. No luxury of this proportion can make this experience okay because that is not what we need," dagdag niya.

Photo credit to the owner



Subalit, sa halip na humingi ng paumanhin, ang may-ari ng resort, ay negatibo pa diumano ang sinagot nito sa review ni Mai at sinabing ang walang kontrol na pagsigaw ng isang bata ay hindi isang sintomas ng autism. 

Marahas niya din sinabi na maaaring nagsisinungaling ang ina o nabigyan ng maling impormasyon tungkol sa diagnosis ng anak nito.

Hinimok din ng may-ari ng hotel ang ina na iGoogle nito ang salitang "autism" upang mapatunayan ang kanyang ibig sabihin.

"What the child most likely has is a lack of discipline due to simple parental neglect. If their parents would pay attention to them and would refrain from screaming at each other, there would be no need for the child to scream. In our experience, one word from a responsible parent is enough to make a child quiet down," ani may-ari/ manager ng hotel.

Photo credit to the owner


Matapos lumabas ang pahayag na iyon ng hotel owner ay agad itong inulan ng batikos at sadyang marami ang nagalit na netizens dito, dahilan kung bakit ito naglabas ng paumanhin at humingi ng tawad sa ina at sa pamilya ng bata.

Aniya, mali ang kanyang ginawang pagkwestyon sa motibo ng ina, at siya ay lubhang nagsisisi sa pagbibigay ng impresyon na ang kanilang kumpanya ay hindi sumusuporta sa mga batang may special na pangangailangan.

Gayunpaman, binigyang diin pa din niya na ang pagpapatahimik sa kanilang mga guests ay sadyang kasama sa kanilang panuntuan at nakatuon sa kaligtasan at kapayapaan para sa lahat ng kanilang mga panauhin.

Pagmamalaki niya ding sinabi na sa loob ng 25 na taon, wala ni isa mang bata ang napahamak sa kanilang resort. Aniya, mahalaga para sa kanila ang pride ng mga ina, ngunit mas mahalaga ang buhay ng mga batang guests nila.

"As a result of that policy, in almost 25 years we have never had a child die here. A mother’s pride is important, but more important are the lives of the children who come here.", ayon sa may-ari.

Samantala, isang linggo matapos ang nasabing insidente, napabalitang nagbitiw na sa posisyon ang nasabing may-ari at manager ng resort.

Ang kanyang desisyong pagbibitiw ay upang maprotektahan diumano ang mga hotel staff sa karagdagang gulo.

"With sincere apologies for my error of judgment which led to so much trouble to many innocent people, I have decided to resign from the position of Resident Shareholder," aniya.



SourceCoconuts ManilaABS-CBN News