"Our child's mental health or EQ is more important than their grades.." -Nakakaiyak na Mensahe mula sa isang Ina - The Daily Sentry


"Our child's mental health or EQ is more important than their grades.." -Nakakaiyak na Mensahe mula sa isang Ina



Photo credit to Jheezel Orbina Panga's Facebook account

Sinasabing ang edukasyon ay susi para sa magandang kinabukasan ng kabataan. Ito ang magbibigay daan sa maraming oportunidad sa magandang hanap-buhay pagkatapos ng mahabang pag-aaral.

Ito din diumano ay isang kayamanang hindi naaagaw ng kahit sino man. At dahil dito, hangad ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak. Upang mangyari ito, marami sa mga magulang ang sadyang sumusubaybay sa pag-aaral ng mga anak, mahigpit na sinisigurong makakuha ang mga ito ng mataas na marka.


Ngunit paano kaya kung sa kabila ng paghihigpit ng mga magulang ay mababa pa rin ang nakukuhang 'grades' ng mga bata? Tama nga bang pagalitan ang mga ito at mas paigtingin ang paghihigpit o tanggapin na lamang na hanggang doon na lamang muna ang kanilang makakaya at hayaang sumaya at maglaro habang bata. Ang mahalaga ay marunong itong makipagkapwa-tao at may mabuting asal.

Ano nga ba ang mas mahalaga sa pagtukoy ng tagumpay sa buhay? Pagiging book smarts or street smarts? Ano nga ba ang mas importante na magkaroon ang isang bata? Cognitive intelligence/ Intelligence quotient (IQ) o emotional intelligence / emotional quotient (EQ)?

Para sa isang ina na tulad ni Jheezel Orbina Panga, mas mahalaga ang EQ kasya sa 'grades' ng kanyang anak. Ito ay kanyang napagtanto dahil na din sa sariling karanasan sa anak na palagi niya diumanong napapagalitan sa tuwing nakakakuha ito ng mababang marka sa paaralan.

Photo credit to Jheezel Orbina Panga's Facebook account

Ayon kay Panga, naging malaking leksyon sa kanya ito matapos ma-realize na merong ibang talino ang kanyang anak at ito ay ang pagiging isang mabait at maawain na bata.


Kanyang ibinahagi ang sariling istorya sa socila media upang maging aral sa mga magulang na tulad niya, na huwag maging 'hard' sa mga anak at huwag gawing basehan ang grades ng mga ito.

Photo credit to Jheezel Orbina Panga's Facebook account

Photo credit to Jheezel Orbina Panga's Facebook account

Basahin sa ibaba ang nakakaiyak at napakagandang post ng inang si Panga:

"This was my son's report card nito lang nagdaan na first grading. He is a grade 1 pupil. Haha!
Obviously, walang magulang ang matutuwa diyan. At oo! Talagang nainis ako at napagalitan ko siya that day. I even scolded him the following day. Nasabon ko talaga siya to the extent na maiiyak siya. I felt so bad kaso kailangan ko ipaintindi sa kanya na mahalaga din ang pag-aaral although bata pa naman siya.


Please, don't get me wrong sa pagiging OA or whatever. Nag-expect lang ako dahil nakatutok ako sa kanya sa pagtuturo at paggawa ng activities. I'm not aiming for high grades. Gusto ko lang yung decent na marka.

But you know what? Although makulit din siya at pasaway minsan. Lately, na-realize ko na meron akong intelligently different na anak. Paano ko nasabi? Siya kasi yung tipo ng anak na laging may ganitong senaryo...

"Mama, birthday ng classmate ko bukas. Pabaunan mo ko kanin tapos dalawang itlog, bibigyan ko siya para surprise."

"Mama, alam mo yung classmate ko kawawa kasi wala siyang baon. Eh diba may baon akong biscuit tapos may 20 pa ko. Binigyan ko siya 5 para makabili siya soup."

"Mama, yung classmate ko laging masakit yung kamay kaya sinulat ko siya sa notebook niya."

"Mama, paglaki ko bibilhan kita ng kotse para di ka na mahihirapan samin ni Aki pag aalis tayo na tatlo lang tayo. Kita ko kasi hirap na hirap ka pag tatawid tayo."

"Mama, maglaba ka lang diyan. Ako na bahala kay Aki."

"Mama, mag-aalkansya ako para may pang-kasal na kayo ni Papa."

-- Naisip ko, bata ba talaga 'tong anak ko? Parang matanda na nagkatawang bata lang. Pero meron pang pangyayari na nagpaiyak sakin. Yun yung nagkwento siya sakin about sa pagdadasal niya gabi-gabi.

"Mama, alam mo ba naiiyak ako habang nagdadasal ako sabi ko Papa Jesus wini-wish ko po sana tumalino na ko para hindi na nagagalit sakin si mama. Ang Bobo ko kasi e. Marunong naman na ko magbasa konti pero mababa pa rin grade ko."

That broke my heart. Naiyak ako mga Inay. Omg! Di ko napapansin nagiging hard na pala ko masyado sa kanya. Nagsorry ako sa kanya kahapon. Humingi ako ng pasensya kung lagi ko siyang napapagalitan. Gusto ko lang naman siyang lumaki ng tama at may values. Sinabi ko pa na okay lang kahit hindi mataas grades niya basta maging mabuting bata lang siya masaya na ko.

Ang sagot niya, "Okay lang po mama. Mag-aaral na ko mabuti."

I remember sabi ng Lolo ko. Huwag ko daw gawing basehan ang grades. Mas mahalaga daw kung may natutunan ba talaga ang bata. Siguro nag-expect lang ako sa kanya kasi noon sobrang taas ng mga grades ko.

Sa mga wisdom ng anak ko ngayon, masasabi ko siguro naman lalaki siyang mabuting tao. Proud ako kasi bata pa siya, malalim na ang level of understanding niya.

Sorry medyo napahaba. I just want to share to all the parents that our child's mental health or EQ is more important than their grades."



Source: Jheezel Orbina Panga | Facebook