Photo credit to Jenie O. Omandac's Facebook account |
Lubhang nakakalungkot isipin na may mga anak at kapamilya na nagagawang pabayaan at iwanan ang kanilang mga magulang o kamag-anak, sa isang kaawa-awang sitwasyon.
Mahirap man maunawaan at intindihin ngunit mayroon talagang mga anak na pinapabayaan na lamang ang kanilang mga magulang, kapag nagkaroon na sila ng sariling pamilya. Ang mga magulang pagtumanda na ay namumuhay na lamang mag-isa at wala ng nag-aaruga.
Tulad na lamang ng isang nakakahabag at nakakalungkot na kwento ng isang netizen na nagngangalang si Jenie A. Omandac, tungkol sa kanilang matandang kapit-bahay na pinabayaan na diumano ng sariling pamilya.
Sa isang Facebook post, kanyang ibinahagi ang larawan ng matanda na nakahandusay na lamang sa lupa at diumano ay pagulong-gulong na lang sa putikan, walang nag-aaruga at walang kumakalinga.
Photo credit to Jenie O. Omandac's Facebook account |
Photo credit to Jenie O. Omandac's Facebook account |
Sa pamamagitan ng kanyang post ay nanawagan si Omandac ng tulong para sa matanda na aniya ay nakatira lamang sa isang pinagtagpi-tagping sako at maliliit na posteng kahoy na parang kulungan ng aso.
Aniya, kasama ng matanda ang pamangkin na naninirahan doon, ngunit hindi din ito tinatrato ng maayos, at sa halip ay minumura pa ang matanda.
Ibinigay din ng concern na netizen na si Omandac ang lugar ang address kung saan maaaring mapuntahan ang matanda sa sino mang gustong tumulong sa kanya.

Photo credit to Jenie O. Omandac's Facebook account
|
Umani ng napakaraming reactions at shares ang naturang post at marami sa mga nakabasang netizens ang nagpaabot ng kanilang simpatya at awa sa matanda. Ang iba ay nanawagan ng tulong sa mga sikat ng programa sa telebisyon.
Narito ang buong post. Basahin:
"Sana po matulungan si lolo
Kaawa Naman Po c Lolo malapit Lang Po sya sa bahay nmin nakatira likod bahay npabayaan npo sya wala Ng pamilya kundi pamangkin nalang walang makain
Ang bahay na tinitirhan nya sakong tagpi tagpi na tela Lang at maliliit na kahoy na poste na parang kulungan Ng aso wlang mag alaga NASA puder Ng pamangkin nya papakainin minsan tapos mumurahin pa sasabihan Ng mamatay natama Po b Yun bilang anak anakan nlang pra Kay tatay samantalang nung malakas pa c tatay namamalimos at binibigay nya mga pinalimos nya sa pamangkin para may makain
ngayon nagkandagulong gulong sa putikan at hinahayaan nyo Lang hindi manlang maalagaan ganyan naba kayo kapabaya sa magulang nung Bata pa Kayo halos magkandaugod mga magulang natin mapalaki Lang Tayo Ng maayos nung sila naman na Ang tumanda ni hindi nyo na kilala
Kayo pa galit kapag sinisita namin Kayo dahil sa kapabayaan nyo halos daan daanan nyo nalang sya. ganyan naba Kayo kapabaya sa magulang nais Lang Naman nya na maalagaan sya Ng maayos habang buhay pa sya at makaranas Ng kaginhawaan sobrang nakakalungkot
Sana matulungan Po natin c tatay Kung nais Po nyo tumulong Puntahan nyo nalang Po sa bukal St.brgy.delremedio cardona Rizal ..para Makita Po nyo Ang kalagayan Po ni tatay"
Source: Jenie A. Omandac | Facebook