Netizen na nabiktima ng scammer, naging mas matalino ang naging aksyon laban sa manloloko - The Daily Sentry


Netizen na nabiktima ng scammer, naging mas matalino ang naging aksyon laban sa manloloko



Larawan mula kay John Gabriel Diño Ponferrado


Talamak ngayon ang mga pananamantala ng mga manloloko online, hangad lang ang madaliang pamamaraan upang magkapera mula sa pinaghihirapan ng iba. 


Kadalasan sa panahon ngayon gamit ng karamihan ay mga online mobile apps na ang ginagamit na mga pambayad sa kung ano mang mga transaksyon dahil sa mas madali at convenient itong gamitin. 


Ngunit naging mainit din ang mga financial mobile apps na ito lalong-lalo na sa mga scammers na walang ibang hangad kundi ang makapanloko ng iba. 


Trending ngayon sa social media ang naging pahayag ng isang nabiktima ng isang online scammer na si John Gabriel Diño Ponferrado gamit ang kanyang GCash app. 


"Na scam ako ₱2,700. 😅 Pag ka send ko ng pera sa GCash. Bigla nalang nag offline yung ka transact ko. Edi alam ko na, na scam na ako."


Ngunit, tila nagkamali ata ng binangga ang fraudster dahil naging mas matalino si John sa kanyang naging aksyon matapos nakuha sa kanya ang pera upang hindi ito magamit ng taong nanloko sa kanya.




Nireport niya agad ito sa GCash para mapablock ang user account ng scammer. At minabuti niyang ireport din ito sa awtoridad upang magawan ng record sa pulisya ang taong nambiktima. 


"Kung Seller ka o Buyer Gamit GCash/ PayMaya/ Coins.ph Ganito Gawin nyo pag na Scam kayo." saad ni John sa kanyang post.


Marami naman sa mga netizen ang halo ang mga reaksyon sa naging tugon ni John sa sitwasyon pero mas lamang ang mga humanga sa ginawa niya. 


Finally, I see someone got the balls to actually file a complaint at hindi lang basta post 🙌 A great and smart example. - Tap Julians


Thanks for sharing. I will share it away to give awareness to others po. - Sheenah Ayson


Ang hirap talaga ng online transaction, lalo tuloy ako natatakot na mag order online tapos Required nila bayad muna, yon walang COD. Pag ganun Di ko na tinutuloy. - Andrew Go


Narito ang kanyang buong post: 




SKL. 


Kung Seller ka o Buyer Gamit GCash/ PayMaya/ Coins.ph Ganito Gawin nyo pag na Scam kayo. 


January 10, 2021

Na scam ako ₱2,700. 😅 Pag ka send ko ng pera sa GCash. Bigla nalang nag offline yung ka transact ko. Edi alam ko na, na scam na ako. 


Kinontact ko ang Gcash Support para mapa block agad yung Gcash ng fraudster's. At humingi ng payo sa kanila.


Nag punta ako sa pinaka malapit na Police Station. Pinagawan ako ng Incident report at pinapapunta sa Anti-CryberCrime Team. 




Ni require akong ipa Public Notary yung Complaint Form and tadaaaaaaa! Block na siya 😂


Yung Pera kikitain natin yan, pero pag nagka police record kana. Tapos ka. 😂 


***

Source:  John Gabriel Diño Ponferrado

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!