Netizen, inilabas ang sekretong galit dahil lang sa mga “My Day” ng kakilala; Tameme nang niresbakan - The Daily Sentry


Netizen, inilabas ang sekretong galit dahil lang sa mga “My Day” ng kakilala; Tameme nang niresbakan



Larawan mula kay Ken Ken


Marami sa mga netizens ang ni-rereward ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga pagkain o pagbili ng mga bagay sa tuwing may mga goals  silang naaachieve, o trabaho at mga projects na sa wakas ay kanilang natapos at napagtagumpayan, o dahil sa pagkapromote sa trabaho, o di kaya’y sa kadalasan ay pampawala lang ng stress at pagod. 


Naging kagiliwan nadin ng karamihan sa mga Pinoy ang pagpopost ng kani-kanilang mga kinakain, mga nanibiling mga gamit, mga lugar na napupuntahan at ng kung ano-ano pa na kanilang ikinasaya at maging ng kanilang mga nararamdaman sa pamamagitan ng “My Day” ng isang messenger App. 



Ngunit sa tuwing meron tayong maliit na ikinasasaya sa buhay, hindi mawawala diyan ang mga taong kinaiinisan ang iyong kasiyahan at maliit ng tagumpay. 


Katulad nalang ng naging karanasan na ibinahagi ni Ken Ken sa kanyang social media account, kung saan hinusgahan siya dahil lang sa kanyang mga mina-My Day na mga pagkain. Matagal na palang may tinatagong inis sa kanya ang taong hindi natutuwa sa kanyang mga pinopost online.


Larawan mula kay Ken Ken



“Palagi ka atang nag ma-My Day ng mga pagkain Ken? Marami ka palang pera?” ito saad ng nag chat sa kanya. 


Aminado naman si Ken na gusto at mahilig siyang i-pinopost sa kanyang “My Day” ang mga kinakaing pagkain.


Pero sa tuwing may My Day siya, meron na palang tao ang hindi natutuwa sa kanyang mga ipinopost online. 


“Ahh wala ka palang pera, ‘wag kang masyadong mayabang diyan sa mga kinakain mo."


“Wag kang palaging nagma-My Day kung wala ka palang pera. Mayabang ka na masyado para mag My Day ng mga kinakain mo.”



Ang dapat nalang daw na pinopost ni Ken ay 'yong mga kabutihan at pagtulong niya sa ibang tao, bumanat paa ito na baka pakitang tao lamang ang ginagawang pagtulog ni Ken para makilala at sumikat.


“Sana ang mga mina-My Day mo ay yung tumulong ka sa ibang mga tao noon. Mas gusto ko pa yun na mga post mo. O baka naman yun lang din na panahon na yun ang pagtulong sa ibang tao para lang sumikat ka."


“Nagbago kana Ken. Hindi kana kagaya dati. May gusto ko pa yung dating ikaw kasi napaka-humble mo pa ‘di tulad ngayon.” mensahe ng isang netizen kay Ken.


Ikinagulat naman ni Ken ang lahat ng mga sisasabi at pagbabawal sa kanya na huwag ng magpopost ng kung ano-anong mga pagkain sa kanyang sariling social media account. 


Depensa niya na kaligayahan para sa kanya ang pagpopost ng mga bagay-bagay na pinaghihirapan niya bago makuha.


Larawan mula kay Ken Ken



"Hala wait lang Te. Bawal na pala akong mag My Day ng mga pagkain? Yan na nga lang yung kasiyahan ko, ipagkakait mo pa? Sa mga pagkain na nga lang ako masaya, ipagbabawal mo pa."


"Wait lang Te, pera ko naman siguro ang ginastos ko sa lahat ng yan? At isa pa Te, tumutulong parin naman ako sa ibang tao hanggang ngayon. Hindi ko lang ipinopost kasi hindi naman naging basehan ang social media sa kabaitan ng isang tao."



"Patawarin mo ako Te kung yan pala ang pagtingin mo sa akin, pero gusto ko lang talaga i-share ang mga pagkain na deserve ko namang makain dahil pinaghihirapan ko naman lahat ng sarili kong pera."


"Liban nalang siguro kung malaki ang utang ko sayo at inuuna ko ang pagbibili-bili ko ng mga masasarap na pagkain at hindi pa ako nakabayad sayo. Wala din naman siguro akong utang sa'yo noh?" sagot ni Ken.


"Wala naman. Sinabi ko lang. Yun naman gusto mo. Godbless nalang sayo." ito nalang ang naging sagot ng kanyang kakilala.



***


Source:  Ken Ken


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!