“Nak maraming salamat” Delivery rider, hinangaan ang pagtulong sa matandang naglalako ng walis sa lansangan - The Daily Sentry


“Nak maraming salamat” Delivery rider, hinangaan ang pagtulong sa matandang naglalako ng walis sa lansangan



Larawan mula kay Benedict Jade Duran

Nakakalungkot makakita ng mga matatanda sa lansangan na patuloy parin sa kanilang pagbabanat ng buto para lang mabuhay. Ngunit marahil sa wala ng iba pang tutulong, o di kayay mag-isa nalang o iniwan na ng kanilang mga pamilya ay kahit pa sa katandaan hindi parin tumitigil sa paghahanap buhay.


Isang kwento ang nag viral at bumihag sa damdamin ng mga netizen tungkol sa buong pusong pagtulong ng isang rider na naghahanapbuhay din, sa isang matandang naglalako sa lansangan. 



Nakita ni Benedict Jade Duran, isang delivery rider, si Lolo Jesus na 85-taong gulang na nasa gitna ng kasikatan ng araw pasan-pasan ang kanyang nilalakong mahahabang walis upang kumita kahit kaunti. 




Agad na pinapagpahinga muna ni Benedict si Lolo Jesus at inako niyang siya na ang bahalang mag-alok sa kanyang mga walis. Hindi na niya iniinda kahit pa meron din siyang mga hinahabol na mga rush orders. 


Agad naman niyang nabenta ang mga bitbit na walis ng matanda sa presyong P180.00 lamang. 


Abot langit sa tuwa at ngiti ang nararamdaman ni Lolo Jesus nang inabot niya ang kaunting benta sa mga walis.


“Yung ngiti ni tatay na binigay ko yung pera grabee sarap sa feeling nung tumawa sya at sabi "Nak maraming salamat”,”



Kahit pagod din siya sa kanyang trabaho, napawi ang lahat ng ito ng matulungan niya ang isang matanda. 







“Yung ang saraap sa feeling na natulungan mo si tatay JESUS opo tama po ang pagkabasa nio ang name nia ay jesus!” 



Nagpaabot din ng pagsaludo si Benedict at ang mga humahangang mga netizen para sa kay Lolo Jesus, kahit pa sa katandaan at mahina na ang pangangatawan ay nagtatrabho parin ng marangal. 


Narito ang kanyang buong kwento: 



Habang nag drive ako papuntang SM Fairview nakita ko kaagad si tatay na may bitbit na walis tambo na mahaba una nilampasan ko sya tas tiningnan ko sya sa motor ng salamin, habang nakahinto ako nag dadalawang isip pa ko kasi may rush order talaga ako sa sm fairview, 



pero dali dali akong bumalik para tanugin sya tas hinintay ko sya sa pwesto ko, tas tinanong ko kung magkano yung walis nia, sabi nia 180 anak, sabi ko tay upo ka muna pahinga kana ako na bahala magbenta nyan, 


pinost ko agad sa group ko, buti may mga nakapansin sa post ko at naubos yung paninda ni tatay, yung ngiti ni tatay na binigay ko yung pera grabee sarap sa feeling nung tumawa sya at sabi "nak maraming salamat 


🙂 Yung ang saraap sa feeling na natulungan mo si tatay JESUS opo tama po ang pagkabasa nio ang name nia ay jesus! grabe si tatay sa edad nia na 85yrs old nagbabanat pa din sya!  




saludo ako kay tatay magkikita pa ulit tayo! maraming gusto tumulong sayo tay! maraming salamat din po sa mga umorder ng walis di po talaga kayo nag dalawang isip na bilhin po amg walis ni tatay! idol ko talaga kayo! 


#tatayJESUSlangSakalam

#SJDMFEDCARES




***


Source:  Benedict Jade Duran


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!