Matataas na standards ng mga kompanya, pero mababang pasahod dahilan ng pag-aabroad ng mga Pinoy- Netizen - The Daily Sentry


Matataas na standards ng mga kompanya, pero mababang pasahod dahilan ng pag-aabroad ng mga Pinoy- Netizen



Larawan mula sa post ni Gerald S. Pascua 


Mahirap ang kompetisyon ng paghahanap ng trabaho dito sa bansa dahil sa mga matataas na qualifications na hinahanap ng ibang mga kompanya para sa mga trabahong inooffer nila, pero hindi naman kalakihan ang mga binibigay na mga pasahod para sa posisyong hinahanap.


Ito ang makatotohanang nangyayari na ibinahagi ni Gerald S. Pascua na aniya ay naging dahilan ng ibang mga kababayang Pinoy na mas pinili nalang mangibang bansa nalang. 


“Ang taas talaga ng standards ng mga kumpanya dito sa atin, pero di naman kayang tumbasan sa pasahod.” saad niya sa kanyang post.



Punto ni Gerald, una sa mga tinitignan umanong standards ng karamihan sa mga employers dito sa bansa para ikay matanggap sa posisyon ay ang iyong pisikal na kaanyuan at itsura, pangalawa ang pang-"veterans" dapat na working experience. 




Itoy naging dahilan umano na marami ang mas hinahanap ang kapalaran sa labas ng bansa, lalong-lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga Restaurants and Hotels businesses.


"Di mo talaga masisisi kung maraming nangingibang bansa lalo na sa mga restaurateurs at hoteliers, kasi dito, di sila masyadong naaapreciate tapos ganyan yung mga offer. Peace!," dagdag niya.


Sang-ayon naman ang nakararami sa mga netizens sa naging pahayag ni Gerald at maging sila din ay may sari-sariling mga opinyon tungkol sa usaping ito: 


Tindi ng qualifications tapos sasahod ka lang ng limang libo? tapos pag sinuma mo ung pagod na inaabot mo maiiyak ka na lang sa hirap - Paulo Tayson


Hahanap ng passionate and energetic paano ka magiging energetic sa 5k a month this is a joke - Joshua Machan



💯% true pg wala ka tinapos, hirap k mkahanap ng mgandang trabaho sa pinas. Tapos may tinapos ka nga , sahod nman ndi makatarungan, naabuso kpa kc pag-OT , TY nlng . Kaya walang asenso sa pinas . Mas lalo pang humihirap hbang lumilipas ang panahon 😢 - Klein Haniesha


Narito ang kanyang buong post: 


Ang taas talaga ng standards ng mga kumpanya dito sa atin, pero di naman kayang tumbasan sa pasahod. Hindi lahat, pero karamihan.


Naalala ko nung may ininterview yung manager namin sa Qatar applying for waitress, zero experience pero nahire o nahahire pa rin.


Dito sa atin, unang titignan itsura sa totoo lang tapos experience na gusto nila veteran ka na.


Sabi pa nga nung ininterview namin dati for our project, di daw sila naghahire ng pango, ang ending di ako nagapply pagkagraduate ko. 


Di mo talaga masisisi kung maraming nangingibang bansa lalo na sa mga restaurateurs at hoteliers, kasi dito, di sila masyadong naaapreciate tapos ganyan yung mga offer.

Peace! 

***


Source:  Gerald S. Pascua

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!