Lolo na PWD, binawian ng cash aid mula sa gobyerno - The Daily Sentry


Lolo na PWD, binawian ng cash aid mula sa gobyerno



 


Labis na ikinalungkot ng isang matandang lalaki ang ginawa ng DSWD sa kanya matapos umanong bawiin ang ibinigay na P6,500.00 na ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno.

Sa panayam kay Joel Alva Baclao, apo ng nasabing lolo, ibinahagi ng bata na abut-abot raw ang tuwa at pasasalamat ng matanda matapos nyang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.


Subalit ng bawiin ito ng DSWD ay labis-labis raw ang pagkalungkot ng lolo, pagdedetalye ng kanyang apo sa isang Facebook post.



Hangad pa raw sana ng matanda na magkaroon ng mga bagong gamit na maisusuot ngunit dahil binawi ito ay hindi na nabili ang mga iyon.

"hiling lang nya sa binigay ayy ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short", saad ni Joel sa kanyang post sa social media.

Kwento pa ng lalaki, hindi na nila naibalik ang buong halaga ng ayuda ng bawiin ito ng DSWD dahil nagastos na nila ang isanglibo para sa vitamins at personal hygiene ng matanda.




Narito ang buong Facebook post: 

Sobra nalungkot si lolo kasi binawi ng dswd ang pera na binigay na ayuda...nalungkot sya sobra hiling lang nya sa binigay ayy ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short pero ganun pa man ayan yung pera 5550 pa napabalik at kulang 1k napamili namin para sa personal hygiene nya at vitamins buti nalang di namin iginastos sa iba pa nya pangangailangan...kung sino man po ang nag sabi na bakit kme kasama.. Tingnan nyo po ginawa nyu...para sa matanda yung ayuda di sa amin..god bless nalang sa na inggit...



Narito ang ilan sa mga komento ng netizens: