“BABALA PARA SA MGA MAGULANG” Bata, dinanas ang masamang epekto ng sobrang pagamit ng gadgets - The Daily Sentry


“BABALA PARA SA MGA MAGULANG” Bata, dinanas ang masamang epekto ng sobrang pagamit ng gadgets



Larawan mula sa Health Facts


Hindi maitatanggi na halos karamihan sa mga bagong henerasyon ngayon, ang mga kabataan, ay grabe at sobra ang pagkahumaling sa pagamit ng mga gadgets katulad nalang cellphones at tablets na halos umaga’t hapon magpahanggang gabi ito lamang ang kanilang hawak-hawak, at ‘di na rin halos nagpapapigil. 


Karamihan, kahit mga bata pa ay marunong ng gumamit ng mga gadgets,


hindi alintana ang maaring masamang epekto nito sa sobrang pagbabad nila ng mahabang oras sa pagamit nito.



Patuloy rin ang mga paalala ng mga eksperto tungkol sa maaaring maidudulot nito sa kalusugan ng lahat at maaaring magdala sa kanila sa matinding kapahamakan.





Katulad nalang ng isang ibinahaging karanasan ng isang magulang, nang danasin ng kanyang anak na si Shane Erich Baita ang pangit na naidulot ng sobrang pagka-expose nito sa gadget. 


“Ang naging dahilan po ayon sa Doctor ay sobrang exposure sa mga gadgets na nagbigay ng sobrang Radiation sa kanya na nagdulot ng epekto sa pagdaloy ng kuryente sa kanyang utak na kung minsan di niya kontrol ang pagkilos niya.” pagkukwento ng isang Ina. 


Bangungot kung maituturing ng isang magulang na makita ang kaniyang mga anak na nahihirapan. 


Sa mga larawang pinost mula sa isang page, makikita ang isang batang babae na dumaan sa isang pagsusuri upang malaman ang kanyang kalagayan.


Nag-iwan din ng paalala ang Ina ni Shane sa mga kapwa niya mga magulang na hanggat maaari ay bantayan at imonitor ang pagamit ng cellphones at tablets ng kanilang mga anak upang maiwasang mangyari ang dinanas ng kanyang anak. 



“Sana po ay maging babala at paalala ito sa maraming bata at mga magulang.” saad niya.






Narito ang kanyang buong paalala: 


BABALA PARA SA MGA MAGULANG


Nais ko lamang po ibahagi sa inyo ang naging sitwasyon at karanasan ng aking Anak na si Shane Erich Baita matapos po ang pangyayari isang gabi na bigla na lang nakita siyang nangangatal na para bang sinasapian ng kung ano kaya minabuti po namin ikunsulta sa doctor.  


Napag alaman po na mayroon siyang FOCAL SEIZURE. Isang uri ng sakit na maaring mapunta sa Epilepsy kung di maagapan.


Ang naging dahilan po ayon sa Doctor ay sobrang exposure sa mga gadgets na nagbigay ng sobrang Radiation sa kanya na nagdulot ng epekto sa pagdaloy ng kuryente sa kanyang utak na kung minsan di niya kontrol ang pagkilos niya.



Sa ngayon po ay nag undergo siya ng oral medication upang maiwasan ang paglala nito.





Ang larawan po ay noong nakasalang siya sa EEG test sa utak.


Kaya hanggang maaari po at kung pwede po ay iiwas natin ang ating mga anak sa sobrang paggamit ng gadgets at cellphone.


Ang mga bawal po ay ang sumusunod:


-Matulog na katabi ang cellphone sa ulo lalo na pag nagchacharge

-Magutom

-Sobrang mapagod

-Mapuyat


Sana po ay maging babala at paalala ito sa maraming bata at mga magulang.



***


Source:  Health Facts


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!