Larawan mula sa post ng KMJS |
Dahil sa mapanghusgang mga mata ng lipunan para sa mga kakayahan at talento meron ang kapwa tao, marami ang hindi kayang labanan ang mga panglalait at pangungutya ng iba, kaya pati sa sarili ay pinagdududahan na sa mga bagay na kayang-kaya gawin dahil sa kawalan ng kompyansa at pagtitiwala.
Marami din sa mga taong inaapi dahil sa kanilang panlabas na kaanyuan ay naging mas matapang at ginawang inspirasyon ang mga masasakit na salita upang mas pagtibayin at lalo pang i-angat ang tiwala sa sarili.
Dahil din sa itsura niya noon, pansin niya na sobrang matumal ang mga pumapasok na trabaho at mga invitations sa mga events.
“Nu’ng hindi pa ganito kaayos ang mukha ko, once a month lang akong kinukuha bilang host. Napapansin ko rin na parang hindi ako pinapansin ng mga tao, parang hindi sila interesado.”
Aminado siyang nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanyang itsura noon. Mukhang daga, ulikba, pangit, ito ang mga iilan lang sa mga 'di niya makakalimutan na mga salita na kanyang laging naririnig, na siya ring nagtulak upang sumailalim siya ng sampung beses na sunod-sunod na cosmetic surgery.
Nagpapaalala din si Michael sa mga tao na bago manghusga ng kapwa, isipin muna kung ano ang mga maaaring maging epekto ng mga binibitawang mga salita.
“Sana bago tayo magsalita o mang-judge, isipin natin kung paano makakaapekto ‘yung mga salita natin sa taong pagsasabihan natin.”
Narito ang kanyang buong pahayag:
“Bata pa lang ako, madalas na akong i-bully. Tinatawag akong ulikba, ilang-daga. Sobrang sakit.
One time, nasa labas ako ng bahay. May kasama ako. She squeezed my face. Sabi niya, ‘Michael, ang pangit mo!’
Nu’ng hindi pa ganito kaayos ang mukha ko, once a month lang akong kinukuha bilang host. Napapansin ko rin na parang hindi ako pinapansin ng mga tao, parang hindi sila interesado.
Sabi ko sa sarili ko, magaling naman akong mag-host. Magaling akong magsalita pero wala akong trabaho. Until I realized, hindi ako kinukuha kasi I look different. I needed to improve.
‘Yun ‘yung nagtulak sa akin na kailangan kong magpaayos. Since then, dumami gigs ko. Bago mag-pandemic, minsan dalawa sa isang araw ‘yung nakukuha ko.
I was also able to host a lot of local and international pageants.
Ngayon na ganito na ako, I want to show that I’m a different person now. Hindi na ako ‘yung batang laging binu-bully.
Pero siyempre, may mga nagsasabi na mukha na raw akong robot. Masakit na makakarinig o makakabasa ka ng comments na ganyan. Pero ang akin lang, sana maintindihan ng mga tao why we want to enhance ourselves.
Hindi ko sila ine-encourage magpa-cosmetic surgery, gusto ko lang ma-realize nila kung bakit may mga taong nagpapagawa. May mga katulad ko na mahirap ang pinagdaanan.
-Michael
***
Source: KMJS
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!