Isang isla sa Bohol ang sinikap tawirin ng isang grupong kung tawagin ay Bohol Cat Clowders para sa isang misyon. Ang isang maliit na islang ito sa Panglao na kilala bilang Gak-ang Island ang nagsisilbing tirahan ngayon ng mga pusang gala.
Ito ang dahilan kaya pinangalanan o tinawag ito ng mga lokal na Cat Island.
Larawan mula kay Lei Xsé | Facebook
Sa Facebook post ni Lei Xsé, ibinahagi niya ang ginawang pagtulong ng kaniyang grupo sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga pusang nakatira dito.
Ayon kay Lei, hindi lang mga pusa kundi mga ligaw na aso rin ang naninirahan sa islang ito. Dagdag pa niya, walang mga bahay o tao na nakatira sa nasabing isla kaya't inaasahan na ang mga pusa at aso ay walang makukuhanan ng pagkain.
Larawan mula kay Lei Xsé | Facebook
Larawan mula kay Lei Xsé | Facebook
Pangamba pa ng grupo na ang tanging kanlungan ng mga hayop ay ang mga damo o palumpong lamang sa isla. Kaya naman tiyak na kawawa ang mga aso't pusa kapag dumating ang malalakas ng ulan.
Hindi hamak na kalunos-lunos ang kanilang sasapitin kapag nagkataon, lalo na kung walang laman ang kanilang mga tiyan. Ito ay sasabayan pa ng malalamig na gabi, kaya tiyak na hirap o hindi makakatulog ng maayos ang mga ito.
Larawan mula kay Lei Xsé | Facebook
Larawan mula kay Lei Xsé | Facebook
Nang makarating at nagsimula ng maglibot ang grupo sa isla, bumungad sa kanila ang mga aso at pusang halatang kulang sa nutrisyon, iilan pa sa mga pusang ito ay buntis. Bakas din ang takot ng iilang mga hayop ng makita nila ang grupo, samantalang ang iba naman ay tila sabik na sabik sa kalinga at pagmamahal ng isang tagapag-alaga.
Matapos ang maiksing panalangin, masayang ipinamahagi ng grupo ang kanilang dala-dalang mga pagkain sa mga hayop at kitang kita naman nila ang kasiyahan at kagalakan sa mga ito, na lubos na nagpagaan ng kalooban ng Bohol Cat Clowders.
Narito ang nakasaad sa Facebook post ng ating bida:
imahe mula Lei Xsé | Facebook
Kaakibat ng Facebook post ni Lei ang video ng kanilang misyon na mapapanuod sa YouTube link na ito: https://youtu.be/u6PDLF0pnIc
Source: Lei Xsé | Facebook
Source: Lei Xsé | Facebook