Larawan mula sa YouTube at Juantambayan |
Marami ang pumuna at nag taas ng kilay sa isang video ng YouTube vlogger na si Jose Hallorina sa kanyang channel matapos nitong pahalikan ang kanyang paa sa isang matanda bago bigyan ng pera.
Namamahinga ang isang matandang tindero nang siya ay lapitan at kausapin ni Hallorina tungkol sa kanyang buhay.*
Nagtanong si Hallorina tungkol sa buhay buhay na agad at malugod namang sinasagot ng matanda na kinilalang si Tatay Danilo.
Larawan mula sa Juantambayan |
Nagsusumikap si Tatay na kumita ng pera sa napakahabang 16 na oras araw araw sa kalsada para magtinda upang may pangtustus sa pamilya.
Nakayuko daw si tatay para umidlip nang siya ay maabutan ni Hallorina katabi ang kanyang mga paninda sa daan, wala pa din daw kasing tulog ang matanda nang oras na iyon.*
Larawan mula sa Juantambayan |
Sinabi din ng matanda na kailangan niyang kumayod kahit siya ay matanda na para sa pamilya at mga anak na nasa probinsya.
Makalipas ang ilang sandali pa ay nag alok na ang vlogger na kanyang bibigyan ng tatlong libo si Tatay Danilo para makauwi na ito, pero kailangan nitong halikan ang kanyang paa.
Tila nagulat naman ang matanda sa sinabing ito ng vlogger ngunit nais din gawin ito ni tatay para makapag pahinga na rin. Itinaas ni Hallorina ang kanyang paa, ngunit nang akmang hahalikan na ni tatay ang kanyang paa ay agad niya itong binaba.
Ayon pa vlogger, naiiyak siya at nalulungkot sa nangyari dahil talagang gagawin nga ito ni tatay para sa halagang P3000.
Pumayag daw si tatay na halikan ang paa ni Hallorina dahil malaking tulong ang halagang ito sa kanyang puhunan.
Ayon naman sa mabait na vlogger, hindi niya hahayaang gawin ito ni tatay Danilo dahil bilang isang kapwa Pilipino, mahal niya ito.
Payo ni Hallorina kay tatay, pahalagahan niya ang kanyang dignidad at reputasyon.
Hindi lang tatlong libo ang natanggap ng matanda mula sa vlogger,dahil dinoble nya ang perang tulong para kay tatay Danilo na talaga namang gagawin ang lahat para sa pamilya nito.
Marami ang mag aakala na mali ang ginawa ng vlogger, ngunit kung panonoorin naman ng buo ang video ay malalaman mo na wala itong intensyon na masama sa kanyang ginawa at hindi dapat husgahan.