Isang street vendor pinagsisipa ng mga tauhan ng mga enforcers matapos tumangging ibigay ang kanyang kariton - The Daily Sentry


Isang street vendor pinagsisipa ng mga tauhan ng mga enforcers matapos tumangging ibigay ang kanyang kariton



Screencap photo from TV Patrol



Kalunos lunos ang sinapit ng isang sidewalk vendor sa mga kamay ng mga tauhan ng isang clearing operations sa Parañaque City nitong Linggo ng umaga.


Nakuhaan pa ng video ang  pag-aresto ng Parañaque Task Force sa street vendor na si Warren Villanueva na tumangging ibigay ang kaniyang kariton sa mga enforcers.  *


Screencap photo from TV Patrol



Agad namang nagviral ang video ang marahas na pag-aresto sa nasabing vendor at kitang kita ang pagsipa sa mukha Villanueva habang mga limang tauhan ng clearing operations ang tulong tulong na pino-pusasan sya at nakadagan pa sa kanyang likuran habang ito ay nakadapa.



Dahil dito, inulan ng batikos ang nasabing clearing operations na nagpagalit sa maraming netizens maging ang ilang politiko ay nagbigay ng pahayag laban dito.


Samantala, sinuspinde na ni Mayor Edwin Olivarez nitong Linggo ang mga miyembro ng Parañaque Task Force na marahas na nagpaalis sa mga street vendors sa lansangan ng Parañaque city.


Napag alaman din na pinalaya rin si Villanueva matapos itong makiusap at humingi ng paumanhin sa pagpalag na makuha ang kaniyang kariton na tangging gamit niya para kumita ng pera para sa kaniyang pamilya.  *

Screencap photo from TV Patrol



Dagdag pa ni Mayor Olivarez, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente at maaaring matanggal sa serbisyo ang mga ito kung mapatutunayang mayroong harassment at kalabisan sa pagpapatupad ng kanilang awtoridad nang ikasa ang operasyon.



“Pinabigyan ko na ng preventive suspension ang mga na-involve po dun. Ang akin pong bilin sa kanila, susunod tayo sa protocol at kailangan maximum tolerance,” pahayag ni Olivarez.


“Binibigyan ng notice muna sila para magtanggal po sila ng kanilang obstruction sa kalsada… Di po pwede na kunin ang paninda. Kinakausap nang maayos na tanggalin ang obstruction sa kalsada,” dagdag pa ni Olivarez nang kapanayamin ito ng media kung ano ang protocol sa pagpapaalis sa mga street vendors.


Nagbigay naman ng sari-saring reaksyon ang mga netizen hinggil sa insidente. Sa ngayon ay umaabot na sa 3.6k reactions at 182 share ang nasabing video. Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa pangyayari:


"Araw araw yan ang ganap lagi sa baclaran, walang paltos huli dito huli doon kawawang vendors at mga e bike. pero yung mga kriminal di mahuli, wala ka ng pagpilian, marangal at masama huli pa rin, naghanap buhay para mabuhay, hindi nman nakapwerhisyo dahil nsa gilid nman."



"Dapat nga sa mga yan tangalan ng trabaho at ikulong para madala mga walang puso parang hindi tao ang tingin sa kapwa. hindi inisip kung mabuti ba o masama ang kina hinatnan nila." *