Screencap photos from GMA Regional TV "Balitang Amianan" |
Madalas tayong makakita sa kalsada ng mga taong salat sa buhay
at walang kakayahang maghanap buhay. Madalas sa kanila ay namamalimos na lamang
upang may ipambili ng kanilang makakain at makatawid sa gutom.
Ngunit paano na lamang kung ang taong binigyan mo ng kaunting
tulong ay nagalit pa at nagwala dahil kulang ito pambili lamang pala ng
sigarilyo. *
Gaya na lamang ng balitang ito, sa kulungan ang basak ng isang lalaking namalimos ng pang sigarilyo niya ay bigla
umanong nanuntok at nanaks@k ng taong hiningan niya ng pera sa Calasiao,
Pangasinan dahil kulang ang ibinigay nito.
Ayon sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV "Balitang
Amianan" nitong Biyernes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng mga
awtoridad na nakipagtalo sa biktima at
bigla na lang umanong nagwala ang 44-anyos na suspek matapos matanggap ang
inilimos sa kaniya sa Barangay Gabon.
Nagtamo ng mga sugat ang biktima pero tumanggi na itong magbigay
ng pahayag sa media.
Sugatan din ang suspek matapos namang pagtulungan umano ng mga
taong nakakita sa insidente.
Inamin naman ng suspek na nanghihingi siya ng P10 para makabili
ng sigarilyo pero hindi raw siya ang nagsimula ng gulo. *
Screencap photos from GMA Regional TV "Balitang Amianan" |
Napag alaman naman ng mga pulis na nasangkot na noon ang suspek
sa paggamit ng ilegal na droga.
“Base po sa impormasyon na nakalap. May history na po ito ng pag
gamit ng ipinag babawal na gamot.” Pahayag ni PLT. Bonald Paragas.
Todo tanggi naman ang suspek tungkol sa mga paratang sa kanya. Nanghingi lamang umano sya ng pera na pambili ng sigarilyo at hindi umano sya ang nagsimula ng gulo.
“Humingi pa nga po ako ng sampung piso makabili lang ako ng sigarilyo. Yun nga po, parang pinag tulong tulungan na ako. Actually sir, basag ang… (napayuko na lamang, habang pinapakita sa reporter ang ulo na may sugat) wala na akong nagawa…” mangiyak ngiyak na paliwang ng suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang mga kasong isasampa laban sa suspek. *
Screencap photos from GMA Regional TV "Balitang Amianan" |