Isang babae, tinawag na "mayabang" matapos i-post ang handa sa kanyang kaarawan - The Daily Sentry


Isang babae, tinawag na "mayabang" matapos i-post ang handa sa kanyang kaarawan



Photo by Rachelle Rosales

May pinagsasaluhan man o wala, likas na sa mga Pinoy ang pagdiriwang ng kaarawan. Maging simple man ito o talagang pinaghandaan. Ngunit dahil sa krisis na dulot ng pandemya, marami na ang nabago pagdating sa mga selebrasyon na ginagawa ng maraming Pilipino.



Dahil sa "new normal", nagkaroon ng maraming limitasyon ang pagdiriwang ng mga Pinoy.

Isa sa mga mapalad na nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya kahit may pandemya ay si Rachelle Rosales. Ngunit sa hindi inasahang pagkakataon, naging usap-usapan ang kanyang post matapos punahin ng isang niyang Facebook friend, ang mga larawan ng kanyang mga handa kung saan naturingan siya nitong 'mayabang'.


Handa | Photo by Rachelle Rosales

"Mate, bakit kailangan mo pa magpost ng ganyan alam mo naman may pinagdadaanan mga tao ngayon kailang pabang ipangalandakan mo na may ganyan ka sana makiramdam ka naman, hindi ito oras ng pagyayabangan," puna ni Erico Roldan sa post ni Rachelle.



"Excuse me? Hindi ako nagyayabang. At alam ng mga nakakakilala sa akin na hindi ako mayabang. At FYI, puro bigay lang sakin yan, nagpasalamat lang ako. Kung nainggit ka, di ko na kasalanan yun," sagot ni Rachelle sa lalaki.


Ipinagtanggol naman ng ilang kaibigan at kapamilya si Rachelle kay Erico.




Pinanindigan naman ni Erico ang kanyang pagpuna sa post ni Rachelle. 

"Mate, di ako naiinggit. Kayo kong bumili nyan. Basahin mo ang punto ko saka ka mag-react. Sabi ko sana di ka na lang nagpost kasi may pinagdadaanan lahat ng tao. Makiramdam ka naman. 'Yun lang." bigay diin ni Erico.

Sagot naman ni Rachelle, "Hindi ho pinagyayabang. Mga bigay lang po ito. Bago po kayo magsalita paki-isip mabuti kung tama. At wala po masama sa post. Pakibasa kung may pangit o pinagyabang kung iba takbo ng isip mo. Bahala ka pangit ng utak mo." 

"Wala po masama maghanda kaya lang dapat hindi na kayo nagpost kasi may pinagdadaanan ang mga tao. Napakairesponsable niyo naman. Wala ba kayong pakiramadam? Hay naku. Ang mga tao talaga di nag-iisip. Ewan!" tugon ni Erico.






Matapos ang kanilang naging diskusyon, i-binlock ni Erico si Rachelle sa kanyang account. Ngunit ayon naman kay Rachelle, hiling niya pa din na magkaayos sila dahil mayroon din naman silang pinagsamahan.



Ano pong opinyon niyo dito mga kababayan?


Source: 1