Estudyanteng Construction worker pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral; Nagtapos bilang Valedictorian - The Daily Sentry


Estudyanteng Construction worker pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral; Nagtapos bilang Valedictorian



Michael Español 


Hindi man mayaman sa mga pinansyal at mga materyal na  bagay ang kanilang pamilya hindi ito naging hadlang para sa isang estudyante mula Mangaldan Pangasinan upang sukuan niya ang mga hamon ng buhay at tuluyang kamtin ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.


Pagsisikap, pagpupursige at dedikasyon ang isa sa mga hawak ni Michael Español sa kanyang pag-abot sa tagumpay.


Pinagsasabay ni Michael ang pagiging Top palagi sa klase at ang kanyang trabaho bilang isang constuction worker. Kahit pa sa hirap at bigat ng kanyang trabaho, hindi nito nabawasan ang kanyang nag-uumapaaw na dedikasyon sa pag-aaral. 



Sa katunayan ay consistent honor at di pumapalya sa pagtanggap ng mga awards si Michael mula gradeshool hanggang nakapagtapos bilang School Validectorian sa Gueguesangen Integrated School sa average na 95%. 



Nagiging palamuti narin sa dami ang kanyang mga natanggap na mga medals na nakasabit sa kanilang munting tahanan. Aktibo rin siyang lumalahok sa mga school activities bilang Presidente ng Supreme Student Government. 


Lumaki sa hirap na pamilya si Michael, gayunpaman, hindi nawawala ang todo suporta ng kanyang mga magulang sa kanya at sa tatlo pa niyang mga kapatid.


Kapwa nagtatrabaho sa isang Factory ang mga magulang ni Michael na hindi rin kalakihan ang naiuuwing sahod, ngunit tulong-tulong sila upang mairaos ang mga pangangailanngan ng pamilya. 


Isang Mananahi ang kanyang Nanay, habang messenger naman ang kanyang Tatay. Kapwa nagpapasalamat at tuwang-tuwa sa kasipagan ni Michael dahil hindi nagpatalo sa hirap ng buhay at nakapgtapos pa sa pag-aaral bilang top performing student sa klase.  



"Nagpapasalamat po ako sa anak ko, na kahit hirap kami ay nakapagtapos siya." saad ng kanyang ama sa isang panayam.




May payo rin di Michael sa mga kapwa niya estudyante na patuloy hinuhusgahan ng lipunan na hindi naniniwala sa kanilang kakayahan.



"May mga tao pong hindi naniniwala atin. Payo ko po sa inyo na sana h'wag niyo nalang pong intindihin kung ano  man po ang mga sinasasabi nila," payo ni Michael.


"Basta mag focus po kayo doon sa goals na gusto ninyong ma-achieve." dagdag niya.



Kasalukuyang nag-aaply sa mga scholarship programs si Michael upang makatulong matustusan ang planong kuhaning kursong Accountancy. 


***

Source:  Furry Category

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!