Estudyante, humingi ng pabor na "lakihan" ang nakuhang mababang marka: “Teacher tayo nak, hindi magician,” - The Daily Sentry


Estudyante, humingi ng pabor na "lakihan" ang nakuhang mababang marka: “Teacher tayo nak, hindi magician,”



Larawan mula kay Ancheta Pagaduan Joemar


Patok sa mga netizen ang isang nag-viral na post ngayon tungkol sa isang guro at ang kanyang estudyante kung saan ikinagulat ng kanyang mag-aaral ang nakuhang mababang marka mula sa kanya, sa pag-agagam-agam na baka isang pagkakamali lang. 


Kinagigiliwan ng mga mambabasa kung paano tinugunan ni Teacher Joemar Ancheta ang pakisuyo ng isa sa kanyang mga mag-aaral na nakakuha ng halos lahat ay mababang grado at ang iba ay incomplete pa. 


Nagtuturo sa paaralan ng Fort Bonifacio High School si Joemar. Aniya pa, 68 lang ang una niyang ibinigay na marka para sa naturang niyang estudyante, ginawa na lang niya itong 75 para siya'y pumasa. 



“Bago kasi niyan, ipinakita ko na dati pa yung grade niya na 68 lang, pinakita ko kung bakit 68. Ginawa kong 75 para pumasa,” saad niya. 


Pakisuyo sa kanya ng mag-aaral sa chat na kung pupwede ay "lakihan" naman 'yong ibinigay niyang 75 na marka. 


Sagot naman ni Ancheta na pwede naman niyang lakihan ang grado. Kaya ang ginawa ng guro ay inedit niya mismo ang larawan na 75 at nilakihan ang sukat nito. 


Larawan mula kay Ancheta Pagaduan Joemar


“Teacher tayo nak, hindi magician,” ani teacher Joemar sa kanyang Facebook post.


Pinayuhan nalang niya ang kanyang estudyante na mag-aral ng mabuti at bumawi nalang sa mga susunod pang mga grading.  


“Nagtatawanan pa nga kami dahil mali siya ng ginamit na salita dapat taasan hindi lakihan,” dagdag pa niya.



Sa isa pang post ni Joemar, huli niya sa akto ang lahat ng mga sinasabi ng isa sa kanyang mga estudyante na naghihimutok sa kanilang group chat, dahil rin sa mababang marka nito, nakalimutan niyang kasama ang guro niyang si Joemar sa chat na iyon. 


"Grabe no, ambaba ko sa Filipino ta*na. Kala ko kasi di nagkokompyut yang si Ancheta. Kulang nalang bagsak ako ta*na talaga. Kakabanas e." chat ng kanyang estudyante.


"May sinasabi ka ba (estudyante) kanina ko pa nababasa. Gusto mo flat 50? Bango ng bibig mo no!," sagot naman ni Teacher Joemar sa nasabing group chat. 


Halo naman ang mga naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa ipinost ng Guro:  


Luvit! As a teacher myself, we need to teach Gen Z students the value of accepting their shortcomings and working to improve oneself. Ang grades hindi parang isda na pwedeng i-bargain sa suki mo.😂 - Eadwine Strata


if you give this kind of grade to your students, it doesn't reflect how badly they did in your class... this is merely a reflection of how effective you are teaching them.. - Cath Z. Tabz  



***

Source:  Ancheta Pagaduan Joemar

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!