Estudyante hinimatay sa pagod habang umaakyat sa bundok para makahanap lang ng signal - The Daily Sentry


Estudyante hinimatay sa pagod habang umaakyat sa bundok para makahanap lang ng signal



Larawan mula kay Genevie Gregorio


Pagpapakita ng pagsisikap at pagpupursige sa pag-abot ng kanyang mga pangarap ang ngayo'y kumurot sa damdamin ng mga netizens. 


Ito'y kwento tungkol sa isang estudyante mula sa Madlang, Aklan na hindi nagpapatinag sa kahirapan ng buhay at sa mga 'di inaasahang pangyayari na pweding humadlang sa kanyan sa pagtahak tungo sa tagumpay. 



Sa pagbabahagi ni Genevie Gregorio, dahil sa kagustuhan ng kanyang pamangkin na makapagtapos ng kanyang pag-aaral ay inakyat nila ang isang bundok sa kanilang probinsya para lang makasagap ng kahit kaunting signal para makapag pa-schedule na ang pamangkin nito sa nalalapit na scholarship exam ng Aklan State University.



Inabot na sila ng oras pero di pa nila naabot ang lugar na kanilang inakyat sa bundok. Dahil sa pagod at init ng paglalakad nawalang ng malay ang pamangkin ni Genevie sa daan. 


Sa kabutihang palad ay bumalik naman malay nito ng makapagpahinga. Ang imbes na piliin ang bumaba at umuwi nalang upang magpahinga, hindi ito naging  option para sa pamangkin niyang mas matayog pa ang pangarap kaysa sa inakyat na bundok bagkus ay nagpatuloy pa sila sa pag-akyat.  



Nais niyang makatulong sa kanyang mga magulang upang maiaahon ang pamilya sa natatamasang kahirapan. Kapwa pagbubukid ang ikinabubuhay at pinagkukunan ng kita ng kanyang magulang para makapag-aral silang magkakapatid.






“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan." ayon kay Genevie. 


"Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila.” dagdag niya. 


***

Source:  Genevie Gregorio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!