Larawan mula kay Dr. Ninz |
Marami sa mga magulang ang binubusog sa mga ibat-ibang mga Vitamins ang kanilang mga anak upang maging malakas ang resistensiya at malayo sa kahit ano mang mga sakit, pati narin pampatangkad.
Laging namang paalala ng mga eksperto na hingin ang mga abiso at patnubay ng mga Doktor sa mga ibinibigay at ipinapainom na mga Vitamins.
Isang nakakaalaramang post ngayon ang nag-viral social media mula sa isang Doktor na lubhang ikinabahala ang kanyang natuklasan mula sa kanyang pasyente na humingi ng kanyang kaalaman sa mga di-umano'y mga "Vitamins" na ipinapainom nito sa kanyang anak.
Sa Post ni Doc. Ninz, ang dalawang gamot na ipinakita ng isang Nanay sa kanya ay hindi uri ng mga Vitamins kundi mga gamot kung saan nangangailangan ng mahigpit na patnubay ng doktor kapagka-iniinom ito.
"Hindi po basta basta binebenta ang gamot na yan kung saan saan lalo na kung hinahatid lang sa bahay ninyo. Kailangan po ng reseta bago makabili niyan."
Napagdesisyonan umano ng isang magulang na magtanong sa kanya tungkol sa buong akala nilay Vitamins dahil parang maganda ang naging resulta sa kanyang anak. Hindi nila alam, ito na pala ang maling resulta ng tuloy-tuloy na pagpainom nito ng mga maling gamot.
"Tumaba daw anak niya dahil malakas kumain at tulog ng tulog lagi sa loob ng isang buwan lang."
Ayon sa magulang, nabili nila ang mga gamot na iyon sa mga nagbebenta sa mga bahay-bahay at pinapalabas nila na itoy mga magandang Vitamins.
Nasasaktan din si Doc. Ninz siya para sa mga taong naging biktima ng maling impormasyon tungkol sa mga gamot na ito.
"As a doctor, my heart breaks for these people, wag ninyong sayangin ang mga pinaghirapan nila para lamang ibayad sa mga maling gamot na magdudulot pa lalo ng mas malaking pinsala!"
Narito ang kanyang buong pagpapaalala:
Kanina sa Clinic naalarma ako nang may nagtanong na nanay sa akin kung maganda raw bang VITAMINS ang mga ito. Kasi almost 1 month na ginagamit ng anak niya at ang iba daw almost 6 months to 1 year na. 👨⚕️😨😡
HINDI PO VITAMINS YAN! Uulitin ko! HINDI PO VITAMINS YAN! 😡😡😡 Vitamins daw kasi yan sabi ng nagbebenta sa kanila.
Hindi po basta basta binebenta ang gamot na yan kung saan saan lalo na kung hinahatid lang sa bahay ninyo. Kailangan po ng reseta bago makabili niyan.
Tumaba daw anak niya dahil malakas kumain at tulog ng tulog lagi sa loob ng isang buwan lang.
Kung sino man may mga nakabili pa nito at pinapainum sa mga anak niyo. Please lang pwede muna kayo magtanong sa Doktor o Nurse sa Barangay ninyo.
Paki inform nalang po ang iba guys ha. Maraming Salamat po. Stay Safe. 😍👨⚕️🥰
PAKIBASA LANG PO GUYS! ‼️‼️‼️
Sana makatulong at maintindihan niyo po. Paki Share and Inform nalang din po sa iba.
Sa mga nagtatanong kung anu at para saan ang gamot na D*xamethasone at C*proheptadine(Pronicy). Pinapalabas kasi ng mga nagbebenta sa mga bahay bahay na ito ay VITAMINS.
D*XAMETHASONE—ay hindi VITAMINS. Hindi rin eto maaring mabili ng walang reseta ng doktor. Ito ay isang uri ng “corticosteroids” na ginagamit sa ilang karamdamang nangangailangan ng mahigpit na patnubay ng doktor.
Kapag ito ay ginamit sa maling dahilan, ito ay maaari pang magdulot ng mas malaking problema
katulad ng pagtaas ng presyon, pamamaga ng mukha at paa, pagkasira ng bato at iba pa.
Kung kayo ay isa sa mga gumagamit/nakabili nito, maaaring makipag ugnayan sa pinakamalapit na Health Center o Doktor, upang kayo ay magabayan ng wastong pagtigil sa paggamit nito.
(PAALALA: Kapag kayo ay gumagamit na nito, ito ay hindi basta basta itinitigil. may wastong paraan kung paano ito ititigil. kung hindi, kayo ay maaaring magkaroon ng tinatawag nating “adrenal insufficiency”. ilan sa mga sintomas nito ang mabilisang pagbagsak ng timbang, pagsusuka, pagbagsak ng blood pressure, paghihina ng mga muscles at iba pa na maaaring humantong sa pagkamatay)
Ang C*PROHEPTADINE naman sa kabilang banda ay isang uri ng first generation ant*histamine. ito ay ginagamit kadalasan sa mga “all*rgy” katulad ng madalas na pagbahing, “all*rgic cough”,
pangangati at pagluluha ng mata gawa ng allergy, mga pantal o rashes.
kasama sa mga side effects nito ay ang pagkaantok at pagkaramdam ng palaging pagkagutom or “appetite stimulant” na sa bandang huli ay maaring maging sanhi ng pagtaba o ob*sity lalo na kung ito ay hindi ginagamit sa wastong paraan.
May mga pag-aral na nagsasabing kapag ito ay hindi nagamit ng wasto at ikaw ay naging ob*se, maaaring sa paglipas ng pahanon ikaw ay magkaroon ng hyp*rtension, heart d*sease, d*abetes at k*dney failure.
Muli ang c*proheptidine ay HINDI MULTIVITAMINS!!!. At matagal na po itong pinagbabawal ng FDA na ibenta o gamitin dito sa atin.
This is an appeal for all involved selling these dr*gs to our kababayans for compassion and dignity. Please, let's not feed on patients' ignorance, desperation, or faith. Kawawa sila.
As a doctor, my heart breaks for these people, wag ninyong sayangin ang mga pinaghirapan nila para lamang ibayad sa mga maling gamot na magdudulot pa lalo ng mas malaking pinsala!
As a doctor, I swore to protect and save lives. I will continue to fight for it. Please find it in your conscience to do the same also.
Maraming Salamat po! ~ Doc Ninz 👨⚕️👍🥰
***
Source: I Am Doc Ninz
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!