Delivery driver, nakapag-ipon ng malaking halaga mula sa mga “Tip” ng customers - The Daily Sentry


Delivery driver, nakapag-ipon ng malaking halaga mula sa mga “Tip” ng customers



Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

Kahit pa sa maliit na halaga o kaunting tulong ang iyong kayang maibigay para sa iba, malaking bagay na ito para sa kanila. 


Isang nakaka-inspire na karanasan ang ibinahagi ni Macky Yam Lee, isang rider ng kilalang food delivery company dito sa bansa. 


Lahat ng kanyang mga natanggap na mga pa barya-baryang tip mula sa mga taong tumatanaw ng pasasalamat sa kanyang serbisyo, ay kanila namang iniipon ng pamilya. 1


Kahit pa sa simpleng Salamat at Ngiti, malaking bagay na ito sa para kanila. 


“Salamat ng maraming Foodpanda costumers nakaipon kami ng pang handa para sa pagpasok ng 2021.”


Malaki ang tulong nila para sa mga customers na piniling magpadeliver nalang ng pagkain lalong-lalo na sa mga takot at wala ng oras para lumabas. Hindi nila iniinda ang puyat at pagod, ang init at ulan makapaghatid lamang ng serbisyo sa mga kliyente nila. 


“Sulit na sulit ang paghahatid ng pagkain sa mga costumer umaraw at umulan, umaga hanggang madaling araw para lang makapag serbisyo sa inyo. salamat po tlaga ❤❤❤.”


Karamihan sa mga Pinoy ay naging dahilan na ang estado ng buhay at pamumuhay kaya hindi umano kayang makapag-ipon ng kahit pa barya-baryang pwedeng maitabi. Para sa mga pangarap o ng kung anuman ang pwede nitong pagagamitan sa oras ng pangangailangan ay merong mahuhugot. 


Wala sa estado ng buhay, mahirap man o mayaman basta may planong mag-ipon, ang pa barya-baryang pagtatabi, pag naipon ay malaking halaga at tulong na. 



Narito ang kanyang buong post:


Salamat ng maraming Foodpanda costumers nakaipon kami ng pang handa para sa pagpasok ng 2021 🥳🥳


June1 to December29,2020 nag start kami maghulog sa piggy bank at ngayong araw naisipan nmin buksan na kung magkano na laman ng naipon namin at atlast umabot ng P8,465 naipon namin na tip 🐼🐼🐼 


Sulit na sulit ang paghahatid ng pagkain sa mga costumer umaraw at umulan, umaga hanggang madaling araw para lang makapag serbisyo sa inyo. salamat po tlaga ❤❤❤


Salamat Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao at Tagaytay area 😁


HAPPY NEW YEAR EVERYONE !!!

ALWAYS THINK POSITIVE ALWAYS PRAY FOR BETTER DAYS AND GOOD HEALTH !!!


RIDE SAFE MGA KAPANDA AT GRAB 🏍🔥🔥🔥

Narito ang kanyang mga ibinahaging larawan:

Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

Mga Larawan mula kay Macky Yam Lee

***

Source:  Macky Yam Lee

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

🏍