Dating karpintero, service crew at factory worker, nakapagtapos at Topnotcher sa Civil Engineering exam - The Daily Sentry


Dating karpintero, service crew at factory worker, nakapagtapos at Topnotcher sa Civil Engineering exam



Larawan mula ka Engr. Jobert Dela Cruz


Marami na ang mga kwentong naibahagi tungkol sa mga estudyanteng kahit sa sobrang kahirapan ang nakagisnan ay hindi kailanman nagpapatinag sa mga hamon ng buhay. 


Isa na dito ang kwento ng pagsisikap at determinasyon ng isang dating suki ng mga kahit anong raket ng trabaho para lang matulungan sa gastusin ang pamilya at matustusan ang kanyang pag-aaral. 


Pinagmulan ng inspirasyon at naging patunay ang kwento ni Engr. Jobert Dela Cruz, Topnotcher sa Civil Engineering board exams na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng tagumpay at pagtatapos ng pag-aaral. 



Isa na siya ngayong Instructor sa University of Cebu at nagtuturo din bilang lecturer sa isang Review Center. 


Halos sinuong lahat noon ni Jobert ang kahit anong mang mga klaseng trabaho na pwedeng mapagkakakitaan, pinasok niya ang pagkakarpintero, bilang katulong ng kanyang Ama, nasubukan niya ring mag trabaho bilang isang factory worker, at ang pagiging service crew sa isang fast food chain. 




Natigil man sa kanyang pag-aaral pagkatapos ng highshool dahil sa hindi na kaya ng kanyang mga magulang na tustusan ang kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral ng kolehiyo. 


Naging katulong siya ng kanyang Ama sa pagkakarpintero at pagtatayo ng mga bahay upang  kumita at masuportahan ang kanilang pang araw-araw na gastusin at makapag-ipon ng pang enroll niya sa kolehiyo. 


Nang kukuha na sana siya ng kursong Civil Engineering, upang maging proud sa kanya ang Tatay niyang kasama niya ng buong taon sa pagkakarpintero ay hindi siya natanggap ng pinasukang Unibersidad dahil sa mababang marka niya noong high school siya. 



Hindi siya sumuko sa kanyang pangarap, sa halip ay nag-enroll sa kursong BS Industrial Technology major in Civil Technology. 




Ang akala niyay medyo okay na ang lahat, nakapasa siya sa lahat ng subjects niya sa first semester niya, dumating na naman ang matinding pagsubok sa kanilang pamilya. 


Naabo ng sunog ang kanilang bahay, at wala silang naisalbang mga gamit na kanilang naipundar. 


Kahit pa man sa nakakalungkot na pangyayari, determinadi parin siyang tapusin ang kanyang pag-aaral. Ngunit ilang buwan pa man ang nakalipas ay sinubok ulit ang knyang pamilya. 


Nadiagnose si Jobert na may appendicitis at kinakailangan siyang maoperahan, at naging sanhi ng lalong pagkabaon ng pamilya niya sa utang. 


Dahil sa hindi kaya ng magulang na pag-aralin siya, nagdesisyon siyang huminto sa pag-aaral at piniling mag trabaho sa isang factory upang tulungan ang pamilya makabayad sa kanilang mga utang. 



Kahit pa sa di kalakihang sweldo niya, nagawa niyang makapag-ipon parin sa 2-taon niyamg pagtatrabaho, sakto para makapag enroll na ulit siya, ang ngayon sa kursong Civil Engineering na sa University of Cebu. 


Dahil sa demand ng pinansyal sa kanyang pag-aaral, naging working student si Jobert, pinagsasabay niya ang hirap ng kanyang kurso at ng trabaho bilang isang Jollibee service crew. 




Naging challenge para sa kanyan ang kakulangan ng oras, kaya saktong pasa lang ang iba niyang mga nakukuhang marka at hanggang sa kailangan din niyang i-drop ang ibang subjects dahil sa kakulanga sa oras.  


"I have failed some of my subjects and even dropped some. Actually my grades in college are majority 3.0 equivalent to 75%. During that time my only goal is just to pass the subjects even I do not gain much knowledge. I’m always on survival mode."


Pumapasok siya dati na tanging P20.00 lang ang laman ng bulsa. 


"The most difficult part of my college life was really the money.


"Literally, I am so poor that I can only bring with me 20 pesos for my food allowance when going to school. Thanks to my girlfriend and friends though, they lend me some if I really needed it the most."


Hangang sa naigapang niya ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos sa kanyang kinuhang kurso sa edad na 24 years old. 


Hindi gaya ng nakagawian ng iba pagkatapos ng graduation na nagcecelebrate at nagpapahinga muna ang ginagawa. Walang sinayang na oras si Jobert, pagrereview at paghahanda para sa kanilang board exam ang inatupag ni niya. Nagsisimula siya ng 7AM hanggang sa 10PM na ng gabi tumitigil sa pagrereview. 



"After the day I graduated, I am not a potential topnotcher, but I want to change my life. "The next morning after I graduated, 


"I open my reviewer books directly, even the formal review is not starting yet. Stop procrastinating! I really pushed my limits. I wake up 7 am every day. After having breakfast, practice solving problems, [and] study, study, study until 10 pm. Of course, have a break for lunch and dinner."


Nag-aalangan siyang mag enroll pa sa review center sa kadahilanang kapos sa budget, hanggang sa nakilala niya si Engr. Chrysler Duaso isang lecturer sa Gillesania Engineering Review and Training Center (GERTC). 


Ipinapakilala siya ni Duaso sa direktor ng nasabing review center na si Engr. Gillesania at siya’y nahabag sa pagpupursige at determinasyon na ipinakita ni Jobert, libre siyang tinanggap sa kanyang review center. 




"I enrolled to Gillesani Engineering Review and Training Center (GERTC), thanks to Engr. Chrysler Duaso (GERTC Instructor)."


"He introduced me to Engr. Gillesania (Review Director) and enrolled me for free. That was really a blessing. It is very recommendable! No doubt." 


Hindi pa dito natapos ang pagsuong niya sa mga pagsubok ng buhay, dahil di niya afford ang mangupahan ng kwarto malapit sa review center, kailangan niyang bumyahe ng halos isa at kalahating oras papasok sa review center. 



Hanggang dumating ang araw na lumabas na ang resulta ng exam at di siya makapaniwala sa mga nagmemensahe sa kanya na pasok siya sa Top 10 ng Civil Engineering Exams. 






"Honestly, I really believe on signs that God sends us. Every time I go out of our house before the results of the board, I saw this bible verse on some streets in Cebu, “Trust in the Lord with all of your heart and lean not on your own understanding." 


"In all your ways submit to Him, and He will make your paths straight Proverbs 3:5-6.” My girlfriend messaged this bible verse to me the day before the board exam, and it really gives me goose bumps until now."


Dito na nagsidagsaan ang mga job offers sa kanya ng mga kompanya na nais siyang kuhanin. 




Patunay ang kwento ng buhay ni Jobert na kahit anong klaseng unos ang susubok sa iyong katatagan sa pag-abot ng tagumpay, walang makakapagpatumba kung puno ka ng pag-asa, pagpupursige, determinasyon at pananalig sa Diyos. 


"I owe this to God. Without Him I am nothing, and of course to my loved ones and friends who supported me during my hard times."


***

Source:  Gineersnow

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!