Dating barbero at mangingisda, ganap ng Doktor ngayon: “Halos lahat ng kahirapan naranasan ko na” - The Daily Sentry


Dating barbero at mangingisda, ganap ng Doktor ngayon: “Halos lahat ng kahirapan naranasan ko na”



Larawan mula kay Doc. Jess Dexisne


Pinaghuhugutan ngayon ng inspirasyon ang isang kamangha-manghang istorya ng isang laki sa hirap na estudyante na noo’y nangangarap lamang makapagtapos ng pag-aaral, kahit pa sa gitna ng matinding kahirapan at kapos sa pinansyal na pamilya. 


Marami ang naantig sa kwento ng dating paextra-extra lamang na barbero at ngayo’y tinatamasa na ang tamis ng tagumpay bilang isang ganap na Doktor. 


Ito ang kwento ni Dr. Jess Dexisne, aminadong laman siya ng mga kahit anong klaseng mahihirap na trabaho noon, may maipandagdag lamang sa gastusin sa kanyang pag-aaral. 



Mahirap man ang nakagisnan na pamumuhay, hindi nagpatalo sa kahirapan si Jess, bagkus ay naging sandata niya ito upang magpursige pa lalo sa buhay. 


High school pa lamang ay nagsisimula na siyang matutong mang-gupit, ito ang naging daan upang matustusan ang sarili sa pag-aaral at maka-graduate. 



Larawan mula kay Doc. Jess Dexisne


Dumating din sa punto ng pagdedesisyon na huminto si Jess sa kanyang pag-aaral, dahil sa sunod-sunod na nasalanta ng bagyo ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya ang pag-cocopra at munting sari-sari store ng kanyang Nanay.  


Pero sa paniniwala niyang “Quitting is never an option” bumalik ulet siya sa pag-aaral. Ipinagpatuloy padin niya ang panggugupit. Bago paman siya pumasok, nanggugupit na siya, ganun din pagkatapos ng klase niya, palit uniporme naman at balik pagiging barbero ulet.


Maliban sa panggugupit, umeextra din sa pag-cocopra, pag-uuling at pangingisda si Jess. 



“Lahat na atang klaseng trabaho na pangmahirap naranasan ko na po.” saad niya. 


Nag-iwan din ng magandang mensahe si Doc. Jess para sa lahat ng mga taong dinaranas ngayon ang matinding kahirapan at mga pagsubok na huwag panghinaan ng loob at huwag sukuan ang mga pangarap. 


Larawan mula kay Doc. Jess Dexisne



“Sa buhay po, napakarami talagang pagsubok — madadapa, matatalo, malulungkot po tayo — pero kailangan po natin itong pagdaanan para lumakas tayo,” 


“Ang pangaral na matututunan natin sa pagkabigo ay gawin na lang natin itong panggatong para sa ating mithiin, para maabot ang ating mga pangarap.”magandang mensahe niya. 


“Marami po tayong kakayahan, kapasidad at abilidad. ‘Wag po natin itong sayangin,” dagdag niya.



Marami sa mga netizen ang di maitago ang kanilang paghanga sa hindi matumbasan na angking kasipagan at dedikasyon ni Doc. Jess. 



***


Source:  Buzzooks


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!